Chapter Nineteen

302 4 0
                                    

Leanne

Inihatid na ako nila Giselle at tita Lora sa bahay. Pagpasok ko ay naabutan ko si mom na nagluluto. Yumakap ako sa kanya. Tuwing kaming dalawa lang ni mom ang nagluluto at walang ibang tao sa bahay, madalas na nagdadramahan kami kesa manood ng drama sa tv.

Naiiyak na ako at si mom naman ay nakatingala para pigilan ang luha niya. Nang mapatingin siya sa akin ay sabay kaming natawa habang lumuluha.

Yinakap ko ng mahigpit si mom. Siya ang the best mom in the world for me. Ipinaglaban niya ako kay daddy, at tinuturuan niya akong maging matatag.

"Mom, I think I know where to find Nicholas. Mom, help me. I need my son back." Humahagulhol kong daing kay mom.

"Don't worry hija, magkakasama ulit kayo. Hindi ko hahayaang magkahiwalay tayo sa pangalawang pagkakataon." At nag ngitian kami. Ikinuwento ko kay mom ang lahat ng mga di inaasahang pangyayari mula sa pagkakamali ko hanggang sa mismong araw na ito.








Renz

Nag text si Ramon sa akin.
Nagtataka ako dahil ang pinag-uusapan namin kanina ay tungkol sa paglalagay ng pool table at dart board sa bawat corner ng bar, tapos ang huling reply niya ay 'delubyo!!!'

Ano ang ibig sabihin niya? Nag ring ang cellphone ko kaya sinagot ko agad iyon.

"Lintek naman!!! Ano ba?hahayaan niyo akong nakabilad sa araw? Labasin niyo ako kung ayaw niyong ipagiba ko yang bar na iyan!!.."

Si Krystal!! Delubyo nga!

Mabilis akong bumaba at pinagbuksan ng pinto si Krystal. Tinanaw ko ang grocery sa tapat at saktong nagkatinginan kami ni Angelina, nginitian ko ang dalaga ngunit inirapan lang ako at pumasok sa loob. Mamaya ay ipapaliwanag ko ang lahat.

"Krystal,anong meron at napasugod ka? " nakangiwi ako habang kausap siya. Ate ito ni Ramon. Nagbabalak magpakatandang dalaga after lokohin ng first love niya.

"Anong meron? Hindi mo ba nakikita itong anak niya? Siya na ang mag alaga,mahal ko si Jojo, pero may trabaho ako. Hindi pwedeng dala dala ko ang bata araw araw sa opisina. Kayo na ang bahala. Tawagan mo ako kapag bumalik ang pokpok na lalaking iyon. Sige na Renz, pasensya na at nasigawan kita. Ako'y luluwas na rin pa-maynila. May trabaho pa ako bukas. Tatawagan ko nalang kayo palagi." Hinihingal pa ito habang papalabas ng bar.

Naiwan sa akin ang dalawang taong gulang na paslit at isang malaking maleta. Hinila ko papasok ang maleta hanggang sa adjacent door ng bar. Doon ay may paikot na hagdan paakyat sa second floor where our rooms are to be found. Kaya siguro hindi makauwi yun,nalaman siguro kay manang na lumuwas si ate Krystal.

Kung titingnan si ate Krystal ay mukha pa itong mas bata sa amin. Maliit kase na babae. Yun nga lang ay kung anong bait ni Ramon sa opposite sex ay siyang sungit naman nito. Hindi lang sa opposite sex kundi pati sa kapwa babae. Bihira lang ang kaibigan nito. Puro business friends pa.

Pag akyat ay inilagay ko sa kwarto ko ang maleta ng bata. Ipapakilala ko ito kay Angel. Paniguradong nag iisip na iyon.

Sa ilang linggo na kami ay talaga namang hulog na hulog na sa kanya ang puso ko. Tuwing hapon ay sinusundo ko siya sa paaralan, nung isamg araw lang ay isinama pa niya ako sa lakad nilang magkakaibigan. Masaya ako na pati ang mga kaibigan niya ay mababait, medyo makulit yung isa,si Giselle. Pero mabait ang dalaga kahit medyo mabigat ang kamay kapag nanghahampas tuwing natutuwa. Yung isa naman ay parang prinsesa kumilos at napakahinhin. Tahimik lang pero may laman ang mga sinasabi. Sa buong oras na magkakasama silang magkakaibigan ay tanging ang mga ngiti lang ni Angelina ang nagpapaligaya sa akin.

Natapos ang pagbabalik tanaw ko ng makapa ko ng bata na parang malambot at basa ang salawal. Wala akong alam sa mga bata kaya hindi ko alam ang gaawin ko. Naalala ko nanaman si Angelina. Sana ay marunong siya.

Tinext ko siya at wala pang five minutes ay narinig ko na siyang natawag sa baba. Dinungaw ko siya sa bintana.

"Ano? Hindi mo ba ako--" hindi ko alam pero hindi niya naituloy ang sasabihin niya. Nakatingala lang siya sa akin habang natawa. Grabe,kahit ang tawa niya ay malambing.

"Bukas yan. Pasok ka na. Akyat ka dito." Sabi ko at lumayo na sa bintana. Pag daan ko sa may vanity mirror ay nakita kong ang gulo na ng buhok ko. Dahil sa kakahatak ng bata kanina.

"Ano bang ikinatutuwa mo? Ang buhok ko ba?" Yinakap ko si Angelina pagkapasok na pagkapasok niya ng pinto. Mahin itong humagikhik at iyinakap ang mga braso sa aking batok. Hinalikan ko ang labi niya.
Nung una ay nahihiya ako na palalimin ang mga halik pero siya na ang nagpaubaya. Nagbiro pa nga siyang kailangan niya matuto kaya araw araw, bago siya bumaba ng kotse ay may kissing lesson kami. Hindi ko maintindihan pero lalo lang akong napapamahal sa dalagitang ito.

"Nasaan na yung anak mo?" Nakangiti niya akong kinurot sa ilong.

So hindi siya galit. "Andun sa kama ko." At binitawan ko siya at iginiya sa batang naglalamukos ng papel sa kama.

"Hindi mo naman anak ito eh, anak ito ni Ramon diba? Sino yung babae kanina?nanay ng bata?" Medyo matamlay na litanya niya. Ang cute niya kaoag nakasimangot. Haha

"Ate ni Ramon yun. Pinsan ko, si ate Krystal. Takot si Ramon kay ate kaya ang agang lumayas. Nasabihan siguro ni manang na mayordoma nila sa Manila." Paliwanag ko.

"Ang baho  na ni baby. Magtimpla ka ng gatas niya, sundin mo yung formula sa box. Ako naang bahala sa kanya. Go love." Nakangiting utos ni Angel ko. Kaya heto nga at sinusunod ko na.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon