Maitha Miranda Andrade-Benitez
Nakatingin ako sa mga anak ko. Si Lorenzo ay may sariling pamilya na, si Lauren naman ay hanggang ngayon,hindi pa nakakaget-over sa pagkamatay ng asawa niya. Mabuti nalang at naroon ang kababata nitong si Raynold,na anak nila Rosalie at Jun. Iyon ang patuloy na gumagabay sa anak ko.
At ang bunso naman na si Rafaela,ayun at pinagkakaguluhan sa party.
Naimpluwensiyahan ito ng second cousin ko na si Marga. Ipinorsue nito ang modeling. Halos bihira ko na itong makasama dahil sa laging nangingibang bansa."Nah-nah,bakit mag-isa ka rito?"
Napalingon ako sa asawa kong si Rafael. Sa loob ng mahigit limang dekada ay galos magkasama kami. Lumaki kaming magkasama at bagama't nagkahiwalay kami ng anim na taon ay nananatili kaming nagmamahalan. Napakabait sa akin ng asawa ko.
Sa sitwasyon namin ay ako pa ang lumalabas na playgirl. Hindi ko maamin kay Rafael na noong nag-aaral ako sa UP sa Los Baños ay mayroon din akong naging ibang naka-date. Pero wala naman akong pinatulan sa mga iyon. Mga kalokohan lang namin sa sorority. Samantalang si Rafael ay napaka tino at walang ibang babae na pinatulan kung hindi ako.
Sabihin niyo nga kung hindi kayo bilib sa asawa ko?
Mahal na mahal ko si Rafael. Hindi ko alam kung bakit napapatingin pa ako sa ibang lalaki, siguro ay paghanga lang. Aaminin ko na may pagka vain ako. Na alam ko sa sarili kong maganda ako kaya minsan naaabuso ko ang mga lalaki. Pero nananatiling si Rafael lang ang mahal ko at laman ng puso ko.
Ilang beses na kaming nag-away ni Rafael dahil nahuhuli niya akong nakikipag flirt sa mga ka transact namin sa negosyo,pero flirt na hanggang salita lang naman,walang pisikalan. Pero syempre,mag aalboroto si mister ko.
Ilang beses na rin niyang napapabayaan ang kompanya at ako ang nasalo nun kapag nahihirapan siya. Paano ay masyadong tutok sa akin.
Ngayon ngang nasa mid fifty's na kami ay hindi na kami masyadong nag-aano, matibay pa ang katawan namin pero hindi na tulad ng dati na magdamagan kami kung bumira sa kama o kung saan man maabutan.
"Anong iniisip mo Nah-nah?" Tanong ng asawa ko habang ipinapalibot ang mga bisig sa aking bewang. Hinalikan nito ang sentido ko at sabay naming pinanood ang mga kamag-anak namin na nagsisiyahan sa reunion party na ito sa bakuran ng mansyon namin.
"Iniisip ko lang na magulo pala ang buhay ko. Na kung hindi dahil sa consistent na pagmamahal mo, baka kung ano na lang ako ngayon. Baka kung sino sino nalang ang nakasalamuha ko at kung anu-anong maling desisyon ang nagawa ko."
Humarap ako sa kanya at hinalikan siya sa mga labi niya. Tinugon niya iyon. Nang magkalas kami ay tila ba bumalik sa paningin ko ang itsura ng asawa ko nung unang beses kaming ikinasal.
"Mahal na mahal kita Rafael,salamat sa walang humpay na pagmamahal mo sa akin kahit na minsan ay abusado na ako."
"Mahal na mahal din kita Nahnah,mula nang una kitang makita,hanggang sa ngayon. Kahit na nagsisimula ng mamuti ang buhok natin o hanggang sa puti na lahat,ikaw lang ang nag-iisang kabiyak ng puso ko. Alam mo naman iyon diba?"
Tumango ako at muli siyang kinintalan ng halik sa mga labi.
Nagyakapan kami at dahan dahang umugoy kasabay ng love song na pinapatugtog mula sa speaker sa garden.
Bumulong si Rafael sa kaliwang tenga ko habang magkayakap kaming nasayaw.
"Nah-nah,bakit ganun? Ang tigas nanaman oh,patulugin mo nga.."
Napabulalas ako ng tawa ng maramdaman ko nanaman ang walang kamatayang alaga ng asawa ko.
"Che,manahimik ka Rafa,maraming bisita at pati yung mga anak mo ay dito matutulog. Maghunos dili ka sa mga requests mo!" Nakatawang sagot ko sa kanya.
"Dali na Nah-nah. Habang nagsasaya sila. Quicky ang tawag dun. Tara na sa kwarto asawa ko."
At hinila na nga ako nito papasok ng bahay.
Kahit matanda na kami ay patay na patay parin ito sa katawan ko. Malakas talaga ang kamandag ko. Kaya naman walang makakapantay sa asawa ko eh.
~The End~
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
Ficção Geral[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?