Chapter Fifteen

355 4 0
                                    

Genevo aka "EVE"

I was doing my make up in a corner of the room. Chico is outside playing with our kapitbahay brats. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi matigil tigil sa kakatxt si Rico sa akin. Patay na patay sa akin ang syoklang iyon. Ang ganda ko para pumatol sa bading.

Nag ring ang phone ko. Si Kenneth labs pala. Sinagot ko kaagad.

"Ken my love, where art tho?" Narinig ko pa ang gwapong tawa ni Kenneth.

"Nasa puso mo lang ako palagi. Ano ka ba. Nasa grocery store ako kaso sabi ng magjowa dito, este ni Angelina ay nasa bahay ka. Hindi ka ba makakasama sa akin ngayon? May bagong banda na tutugtog, mga taga Manila. Ihabilin mo na si Chico kay Angeline. Bar tayo mamaya. Wait kita ha? Kakantahan kita babe. Love you. Bye!!" Kita niyo na? Mahal na mahal ako ni Ken. Babae ang turing niya sakin. Guitarist siya sa kanilang banda pero nakanta rin siya minsan. Kaya love na love ko yun eh. Hihi



Dumating si tita Fina at sinundo si Chico. Ini-lock ko ang bahay at baka sa Lunes na ang balik ko. May kanya kanyang susi naman kami ng bahay maliban kay uncle Ted.

Medyo malayo na ang taxing sinasakyan ko, sa bahay ng makita ko ang kotse ni Renz at bumaba ang lalaki. Pinagbuksan pa si Angelina ng pinto. Dapat kase hindi natalo sa karera si Kenneth para naihahatid niya rin ako ng ganyan.

Tuluyan ng nakalayo sa bahay ang taxing sinasakyan ko.





Angelina

"Renz,gusto mo bang pumasok muna? Walang mga tao sa loob. Nag txt si Eve na may lakad sila ni Kenneth." Medyo nahihiya ako. First boyfriend ko siya at talagang kinikilig din ako.

"Hindi na,magpahinga ka na. Sabi pati ni Eve ay hindi ka marunong magluto. Baka sumakit lang ang tiyan ko." At kinindatan pa ako. Lagot sa akin yang si Eve. Sinisiraan pala ako nun kay Renz.

"Sige,ingat pag-uwi." Hinalikan niya ako sa labi bago sumakay ng kotse. Nginitian pa ako at kinindatan bago umalis. Hindi na ako umalma at dinepensahan pa ang aking sarili dahil baka magmukha lang akong guilty.





Naligo ako at ngayon nga ay nasa sala para manood ng korean drama sa tablet ko. Solo ko ang bahay kaya ang sarap humilata. Walang maingay,walang makulit, at lalong walang magulo. Mabango din ang bahay kase naglinis si Eve.

I think mga 2 am na bago ko matulugan yung pinapanood ko. Basta nasa episode 15 na ako,or 16 na yata? Hindi ko na tanda. Naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin kaya yumapos na ako at baka mahulog.

Nang nailapag ako sa kama ay naamoy ko ang pabango ni Rafael. So si Rafael nga. Kaamoy niya ang unan eh. Yinakap ko yung unan at nakatulog din.

Nagising ako dahil hindi ako komportable sa init. Nagmulat ako ng mata at napakunot ang noo ng makitang sa mukha ko lang tumatama yung liwanag. Bahagya lang ang pagkakabukas ng kurtina. Tumagilid ako at nakitang nakaupo sa Rafael at nakatingin sa akin.

"Bakit dito mo ako pinatulog sa kwarto mo?" Takang tanong ko.

"Alangan namang itaas pa kita sa kwarto niyo eh napakabigat mo pala sa liit mong iyan." Nakangiti ng nakakaloko si Rafael..

Naiilang ako pero hindi ako makaiwas sa tingin niya. Pinilit ko nalang ibaling sa iba ang paningin ko. Tumikhim ako at bumangon. Inabot ko ang magkahiwalay na slippers ko sa gilid ng kama at isinuot iyon. Pag tingala ko at bago pa man makatayo ay sinunggaban ako ng halik ni Rafael.

Nablanko ang isip ko. May nabubuong init sa aking puso. Natumba kami sa kama.

Patuloy siya sa paghalik sa akin ng inilipat niya ang halik sa aking leeg. "Pakiramdaman mo Angelina. Gusto mo rin ito,nag-iinit ka." At ibinalik ang paghalik sa aking mga labi. Kinagat kagat niya iyon at sinipsip. Matamis ang halik niya ngunit may kahalong init.

"Halikan mo rin ako Angelina. Kiss me back,please." At hinalikan niya ako ulit. Unti unting nakukuha ko ang galaw niya at sinubukang gayahin iyon. At nagawa ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal pero wala na akong maisip kundi ang kanyang mga labi, na gumagalaw sa mga labi ko. Naramdaman ko ang kamay niya sa aking bewang at ipinasok iyon sa aking damit. Doon ay napakainit ng kanyang palad na bahagyang pinipisil at hinihimas ang aking tagiliran.

Pakiramdam ko ay mauubusan ako ng hininga kaya itinulak ko siya at nahulog sa kama. Napatunganga siya sa harap ko. Matagal bago ako nakapag salita. At nang ako ay nagsalita,tila naestatwa ang binata.








Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon