Angelina
Wala na kaming masyadong ginagawa mula kahapon. Nung isang araw,lunes, napag-usapan na kung magkano ang range ng pang- exchange gift. Potlock naman ang sa food.
Marami ang nagsisibilihan ng bagong damit. Ako ay hindi na bibili dahil marami naman akong damit na hindi naisusuot. Ready na rin yung pang regalo ko. Iniisip ko kung magugustuhan iyon ni Roah, yung tomboy naming clasmate. Rose Anne ang tunay niyang pangalan pero talagang tboom kaya Roah na ang tawag namin. Maganda sana siya kaso lang nagpakalalaki na eh. Crush niya raw si Marga. Kaya si Marga ay todo iwas sa kanya.
Nung sabado ay nakumbinsi ko nang makipagkilala si Leanne sa kaniyang mag-ama. Balak na naming puntahan si Ramon pero tumawag sa akin si Renz na umalis daw yung si Rams papunta sa kung saan at inihabilin na lamang si baby Jojo sa kanya at humingi nalang daw ng tulong sa akin o kay Eve. Kaya napasugod kami pati si Tita Nita para alagaan si Nicholas Joseph.
Ipinaalam na namin kay Renz ang lahat at nagulat ito. Nabanggit niya rin sa akin ang paulit ulit na pangleleksyon nito sa kanya na wag papatol sa menor de edad ngunit heto at ito pa pala ang ganun. Natampal ko yung bibig niya nung mukhang napahiya si Leanne at mommy nito. Nag sorry naman si Renz.
Maayos naman ang pag-uusap nila Leanne at Renz,kaso hindi matawagan ang numero ni Ramon maging ng ibang mga kapatid nito. Sana lang ay nasa maayos na kalagayan ito at walang ginagawang kalokohan.
Ramon
Nakatitig ako sa tulog na mukha ni Ricardo Mendez. Katatapos lang ng treatment nito at sabi ng doktora ay naagapan kaagad ang sakit nitong Colon cancer. Kaunting gamutan nalang at maidedeklara na itong cancer free. Kung hindi lang ito nakalbo ay iisipin kong wala naman talaga itong sakit.
"Ikaw ba si Ramon Boas?" Nagulat ako at nagising sa pagkakatulog sa mahabang upuan ng marinig kong nagsalita si Mr. Mendez.
"Opo,sinabi po sakin ng ate ko na narito nga kayo." Magalang na sagot ko. Nag-ahit muna ako bago pa man magpunta rito. Baka kase isipin ng lolo ng anak ko na matanda na ako. Kaya talagang nagpapogi muna ako para maisip niyang bagay ako sa anak niyang dyosa.
"Mukha kang babaero,hindi ka katulad ng ate mong conservative. Mukhang wala kang nagagawang matino sa buhay mo." Ouch. Ganun ba kahalata?
"Sir,nagbi-business po ako, hindi man ganon kalaki ang mga bars ko pero marami iyong branches na kalat sa Manila, hindi lang ako nagmamanage ng naroon kundi ang iba kong kapatid na kasosyo ko. Nasa Lumar City po ang main branch ng business ko." Ewan ko pero gusto kong ipangalandakan na hindi ako mahirap.
Medyo nakakaintimidate ang lalaking kaharap ko. Isa pa ay lolo siya ng anak ko. Paano nalang kapag binawi niya ang anak ko,or baka lalo niyang itago ang anak niya sa akin."Bakit ba pilit mong hinahanap ang anak ko gayong nasa iyo naman ang apo ko?" Nakangiiti ito ngunit hindi ko sigurado kung masaya ito o nilalaro ako.
"Dahil gusto ko pong mabuo ang pamilya namin sir." Magalang na sagot ko.
"Hindi ako natutuwa sa buong pamilya na walang pagmamahal hijo." Malumanay na sagot nito.
"Lumaki akong puno ng pagmamahal, hanggang sa nagkaasawa at nagkaanak ako'y puno ng pagmamahal ang buhay ko. Kaya talagang nagulat ako ng mabuntis ang pinakamamahal kong anak at ni hindi niya raw kilala ang lalaking nakabuntis sa kanya. Hindi ko itatago na nagalit ako noon,lalo na ng malaman kong alam pala niya ang pangalan mo." Hindi ito nakatingin sa akin,sa bintana ito nakatanaw.
"Pinagsisisihan ko na nagalit sa akin ang mag-ina ko dahil ibinigay ko ang apo ko sa ama nito. Mahal ni princess ang batang iyon. Ako man ay nangungulila kahit tatlong oras ko lang iyon nakasama. " tumingin na siya sa akin at namamasa ang kaniyang mata.
"Kung hindi mo mamahalin ang anak ko,wag mo na siyang hanapin. Lumayo ka na. Wagas magmahal ang anak ko. Balita ko sa ate mo ay marami kang babae. Ayokong masasaktan ang anak ko ng ibang lalaki."
"Sir, isang beses lang kami nagkasama. Pero laman siya ng isipan at puso ko sa mga nagdaang taon. Kaya hindi ako makahanap ng seryosong karelasyon ay dahil hindi ko mahanap sa kanila ang anak niyo. Maniwala sana kayo. Hindi ko man tanda ang mukha niya ay minahal ko siya. Sa tingin ko ay panahon na para magkita kaming muli. Papakasalan ko po ang anak niyong si Princess. Handa akong ibigay ang lahat nga kaya ko sa kanya." Maramdaming pahayag ko. Napansin kong medyo natawa ito.
"Kung ganoon,bago mo buohin ang pamilya mo, buohin mo muna ang pamilya ko. Iuwi mo ako sa Pilipinas." Nagulat man ay sumang ayon agad ako.
Ewan ko ba pero pinagsisisihan ko iyon. Minumura ako ng doktorang espesyalista nito na dati pala nitong nobya bago pa magpakasal sa asawa nito. At mukhang may feelings pa sa lalaki ang doktorang dalaga parin hanggang ngayon.
Sa tagal ng kulitan namin ay nakuha ko rin sa wakas ang release papers ni "papa Ric" na ama ng mapapangasawa kong si Princess.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?