Angelina
Sinusubuan aki ni Renz. Naaamoy ko yung kapeng barako.
"Hindi pwede sayo ito love. Acidic ka. Baka nakakalimutan mo." Nakangiti ito sa akin.
Bakit ganun? Dapat galit ako dahil niloko niya ako. Dahil higit na nagtataksil siya sa akin. Pero hindi ko siya kayang layuan.
"Ahh" iniumang niya yung kutsarang puno ng kanin ay may bacon sa ibabaw. Kinain ko iyon.
Naalala ko na kung paano ako napunta dito. Dapat ay manonod ako ng laban sa basketball ni Rafa against sa team ng klase namin.
"Pampatulog yung tinakip mo sa ilong ko?"
Nagbaba ito ng tingin. Pati ang isusubo nito sa akin ay inilapag nito. Kinuha ko yung kamay niyang may hawak na kutsara at isinubo iyon. Muli siyang nagtaas ng tingin at nginitian ako.
"Irkwrentow mohh.dalii" sabi ko habang nanguya.
"Wala na akong maisip na paraan para makausap ka. Miss na miss na kita."
Nilunok ko yung nginunguya kong pag kain. Inilagay ko ang magkabila kong palad sa magkabila niyang pisngi.
"Namiss din kaya kita."Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya.
"Kelan tayo uuwi?" Sabi ko nung matapos kong ubusin yung niluto niya.
"Kapag kasal na tayo." Tipid na sagot niya.
Nasa maliit kaming bahay kubo. May dalawa itong kwarto. Sa labas ay matatanaw ang berdeng palayan at may ilang puno ng mangga malapit sa kubo. Kaunti na nga lang ang bunga dahil buwan na ng Setyembre.
Matapos niyang maghugas ng pinakainan ay inaya niya ako s labas. May mga nakataling manok na pangsabong habang yung mga inahin ay pagala gala sa paligid. Meron ding isang aso na natutulog sa ilalim ng kawayang papag. Napaka sariwa ng hangin at kitang kita ang bughaw na kalangitan. Malamig ang hangin sa ilalim ng puno ng mangga. Naupo kami sa papag malapit sa puno.
Niyakap niya ako mula sa likuran. Hinahalik halikan niya ang buhok ko.
"Ang ganda dito Renz, ang simple ng buhay. Kaninong lupa ito?"
"Sa akin. Binili ko. Hindi alam nila Ramon ito kase nag-aaral pa kami ng college nung nabili ko ito. Masyadong busy iyon kaya hindi ko nasabing may lupa ako sa probinsya."
"Anong lugar ba ito?"
"Basta. Wag mo nang alamin. Hindi kita sasaktan kaya wag kang matakot love." Hinalikan niya yung noo ko.
Napansin kong hindi niya ako hinahalikan sa labi. Malamang ay alam niyang hindi ako papayag.
Nung tanghalian ay naglaga kami ng kamote at saba. May puno rin pala ng saging dito. Nasa bandang likod ng kubo.
Hapon at humiling aki ng mangga kay Renz. Ikinuha niya naman ako. Marami nga siya kinuha kaya parang wala ng bungang natira yung puno.
"Nangangati na ang likod ko. Saan ba pwedeng maligi dito?"
"Teka at ipag-iigib kita." Nakita kong kumuha siya ng dalawang timba at naglakad palayo. Tanaw ko pa rin siya nung huminto siya kaya pinuntahan ko. At ganoon nalang ang tuwa ko ng makakita ako ng tatlong balon.
Dumungaw ako sa isa at kumanta kanta. Tawa ng tawa si Renz.Nakaligo na ako at sinuot ko ang lumang bistida sa aparador. Nilabhan ko na rin ang aking uniporme. Kailangang makaoag-usap na kami ng maayos.
"Renz, we need to talk..."
"Teka lang at kakain na tay....."
"Now." Bumagsak ang balikat niti at tumango bago naupo sa gikid ng kama.
"Renz. Pano mo nagawang bastusin ako? Ilang babae? Ilang beses?....
......Renz naman! Kahit sabihin mong ako ang mahal mo, sobra sobrang kataksilan naman yata yung pakikipagtalik na tila ba hayop ka. "Naiyak na hinaing ko sa kanya. How dare he do this to me!
"I'm sorry. I'm sorry." Yinakap niya ako at umiyak din siya.
Rafael
Feeling ko mababaliw na ako. Dalawang araw ng nawawala si Angelina. Nalaman ko lang na nawawala ito dahil sa pinsan ni Leanne na si Maxine. Pinasundan nito sa driver nila ang kotseng sinasakya ng dumukot sa kanya pero kakasunod nito ay naubusan ito ng gas.
Huling lugar na nasundan nito iyon ay sa Pangsinan. Sa lawak ng Pangasinan,hanggang ngayon ay wala kaming balita kung saan na napadpad si Angelina.
Pinaghahahanap na sila ng mga pulis. Nakuhanan rin sa cctv ng school na hindi ginusto ni Angelina ang lumisan sa paaralan. At yung Renz na iyon!
Hindi ko alam kung bakit may mga abogadong naghahanap sa kanya. Wag na wag niyang sasaktan si Angelina. Sana ay ayos lang ang babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?