Rafael
Tinawagan ako ni Leanne,may importante raw itong sasabihin.
Pumunta ako sa tahanan ng mga ito. Ganun nalang ang tuwa ko ng makitang tila isa iyon reunion party.Naroon ang asawa nitong si Ramon na abala sa tatlong anak nito na bumubuo ng lego castle sa sahig. Naroon din si Luderica na nakikipag huntahan sa mama ni Leanne na si tita Nita habang ang asawa nitong si Renz ay nanonood ng boxing katabi ang kambal na binatang anak ng mga ito.
Ang ikinatawa ko ay ang bilog na bilog na si Giselle na nakikipagtalo sa asawa nitong si Stephen. Sila parin pala ang nagkatuluyan.
"Rafa,ang tagal ka naming hindi nakakasalamuha. Masyado ka ng nangpapayaman ha?" Tinapik ako ni Leanne sa balikat. Napatuon ang pansin ng mga ito sa amin.
"Pare?kamusta?!"bati ni Ramon. Kamukha nito lahat ng anak nito.
Nakipag kwentuhan ako about business angmd stuffs. Doon na rin ako naghapunan. Nung gabi na at nakatulog na ang mga bata, doon na tinawag ni Leanne ang atensyon naming lahat.
"Guys, I don't want to bother you. I know you are busy, but Ramon suggested that we should help each other in this issue. I think, my cousin is somehow in trouble."
Nagbukas ang pinto at napatingin kami roon..
"Hi! I'm so sorry I'm late,nagdala pa kase ako ng batang nawawala sa magulang nito, and guess who I saw, I mean who she looks like? Look at this,nakipag selfie pa ako. Sabi niya kase ang ganda ko raw."
Maarte parin si Marga kahit na may anak at asawa na ito. Pero ang pinaka naaagaw ng atensyon ko sa kaartehan niya ay yung picture sa cellphone niya.
"Nah-nah!?"
Marga
"Babe,alam mo naman na mahalagang andun ako. Ikaw na muna bahala kay Tammy ha?"
Lambing ko sa asawa kong briton na si Jackson. Nakilalako siya sa France. Naging modelo ako noon kase hindi kinaya ng beauty ko ang pagdodoktor. Kaya heto at nag-asawa ako ng doktor. Pero lobe ko ito. Medyo under sa beauty ko.
"Wife,I understand. But do you really need to look so fashionable like that? I mean, reunion iyon. Baka ma-out of place ka?"
"Believe me babe, kailangan nilang matuto sa fashion. See you later, doon na ako kanila Leanne magdi-dinner. Yung diaphers ni Tam ha?love yoh both. Bye!!"
Ang pogi pogi ng anak ko. Naiingit nga si tita Martha eh, ganun daw ka-cute si Stephen nung bata. Pwe! Haha
Medyo traffic kase linggo at kakatapos lang ng misa. Maraming naglalakad. Naipit ang kotse ko. Gosh, gutom na ako. Namiss ko yung mga luto ni Leanne. Siya ang kinuha naming caterer nung ikinasal kami sa Florida. Of course,all expenses paid by us, friend ko kaya si Leanne, kailangang tulungan ko siya. Okay na kai ni Giselle ngayon. Paminsan minsan lang ay napupuna kong tumataba siya kaya pinag-iinitan ako ng ulo. Pero minsan lang naman iyon.
Nag go light n pero napa preno ako. Mayroong batang paslit sa harap ng kotse ko. Sino ba naman ako para sagasaan iyon. Bumaba ako matapos ipark ang kotse ko s gilid. Agad kong hinila ang bata sa gilid ng kalsada.
"Little handsome,what's wrong? Are you lost?" Tanong ko.
Ang cute nito hindi dahil s umiiyak o cute ang dating,hindi ganun. Cute ito kase mukha itong nerd. Wala nga lang eyeglasses.
Pinakatitigan ako nito bago nagsalita.
"Tutubi ka ba?bakit ang dami mong kulay sa mukha? Ah,alam ko na, clown ka ano?"
What!?
"Lorenzo! Sabi ko naman sayo, wag kang lalayo,kahit alam mo na ang lugar na ito ay wag kang bibitaw. Naiiyak na ang ate mo kakahanap sayo oh."
Napatulala ako s babaeng nakatalungko sa harap ng bata. May kamukha ito. Maiksing maiksi ang buhok. Pero may kamukha talaga ito eh...
"Miss beautiful,salamat ha? Masyadong magaling ang anak ko to the point na nagmamagaling na. Thank you sa pag pigil sa kanyang tumawid." Sabi nito bago buhatin ang batang lalaki.
Hmm,malakas siya.
"Ilang taon na ang anak mo?
"Mag-aanim na taon sa darating na February,bakit miss?"
"Pwedeng magpapicture?ikaw ang kase ang unang nagsabing maganda ako sa gabing ito." Nakangiti kong sabi.
Tinignan ko ang bata at nahulinkong inikutan ako ng eyeballs nito na parang may sinabi akong corny na joke. Tss
Dukutin ko mata niya eh."Oh,sige. Bahala ka"
At nagselfie nga kami. Kiming nakangiti ito pero yung bata ay nagpogi pause.
Natawa naman ako.
"Anong pangalan mo miss?"
"Ah,ako nga pala si Marina Miranda Dayos. Anak ko ito, si Lorenzo.
Pumasok na ako sa kotse ko. Medyo kinikilabutan ako pero isinantabi ko iyon. Excited na akong ikwento ang kabayanihan ko sa mga friends ko.
Nakarating ako ng lagpas alas otso sa bahay nila Leanne dito sa Lumar, ang tagal ko nang hindi napapasyal sa Montana Subdivision kaya medyo naligaw pa ako.
Hindi na ako nagdoorbell, alam ko namang bukas at isa pa,mahilig ako sa wild entrance. Model nga diba?
"Hi! I'm so sorry I'm late,nagdala pa kase ako ng batang nawawala sa magulang nito, and guess who I saw, I mean who she looks like? Look at this,nakipag selfie pa ako. Sabi niya kase ang ganda ganda ko raw."
BINABASA MO ANG
Angelina's Life Twists
General Fiction[COMPLETED] This is about Angelina Miranda, ang babaeng medyo hindi normal ang pag-uugali. At ang mga taong kasama niya sa kanyang hirap at saya. Paano nga ba mamili ng taong mamahalin? Kapag ba malakas ang tibok ng puso mo, mahal mo na agad siya?