Chapter Twelve

385 5 0
                                    

Humiwalay ako kay Rafael. Napaupo ako sa kama at huminga ng malalim. "Raf-" Tulog si Rafael at nahilik. Siguro ay nananaginip lang ito. Nalalasahan ko pa sa bibig ko ang amoy ng alak na ininom niya.

Lumabas ako ng kwarto ng mapatingin ako sa sofa at nakita na parang ahas na ginagapang ni bakla ang jowa niya. Nahinti siya at nag silent sign pa. Napadako ang tingin ko sa lamesa at nakitang hindi lang beer ang naroon kundi mayroon ding vodka and brandy. Nagpapadyak ako kaya tinignan ako ng masama ni Eve.

"Problema mong gaga ka? Bukas ka na mag inarte. Magigising si Chico sa kaartehan mo!" I know naman na ayaw niya lang magising si Kenneth eh. Pumasok ako sa room nila at tinabihan si Chico. Yinakap ko ang bata at nakatulog na rin. Narinig ko pang may pumasok,marahil ay si bakla at sumilip. Sa sofa sila matulog,mga kadiri talaga.

Hapon na at nakasakay kami sa van pauwi sa Lumar, ang bayan na aking nakagisnan. Ano ba at parang wala ako sa sarili ko. 'Paano ay may nakakuha na ng first kiss mo,ayan nga at katabi mo pa.' Napatingin ako kay Rafael na nakasandal sa balikat ko at nahuhulog na ang suot na shades. Inayos ko iyon para matakpan ang nangingitim niyang mga mata. Kung hindi ba naman timang si Eve. Menor de edad pa lang si Rafael,pinainom agad  ng hard drinks. Pati tuloy ako kung ano ang nagawa. Tsk talaga.

Pag -uwi ay tinapik ko ang pisngi ni Rafa, ang hirap gisingin. Nang mapansin ni Chico na hindi pa kami nababa ng van ay pumasok siya at hinila ang tenga ng kuya niya. Nagising ang huli at binatukan ang bata. Tatawa tawa lang kaming dalawa ni Chico.

Naging abala na ako sa pag-aaral at si Eve naman ay nagpunta sa grocery para kamustahin ang mga tauhan. Narinig ko si uncle Ted na dumating kaya't lumabas ako ng kwarto para magmano.

"Angelina!!! Ang napakalambing kong anak. Sana anak nalang kita. Ikaw lang nagmamahal sa akin. Yung mga anak ko, naturingang galing sa akin. Hindi ako mahal." At umiyak na si uncle Ted. Iginiya ko siya sa sofa at doon siya pinahiga.

"Uncle. Huwag na kayong umiyak. Tahan na po." First time kong amuin si uncle. Madalas kaming magkwentuhan pero ngayon ko palang nalapitan ng ganito kalapit si uncle. Naaawa ako pero alam kong wala ako sa posisyong makialam lalo na't napag usapan na ng lahat.

Saktong tatapikin ko ulit ang likod ni uncle ng hinatak ako ni Rafael at dalhin sa kwarto niya. Medyo mahigpit ang hawak niya pero hinayaan ko lang. Pinagmasdan ko ang reaksyon ng kanyang mukha mula sa pagigi ng galit hanggang sa maging malumanay na iyon. Ngunit ang pagkakahawak niya ay mahigpit parin.

"Hayaan mo na si papa,Angelina. Kasalanan niya ang lahat. Hindi masabi sayo ni mama pero si papa ang nagsimula ng lahat ng ito. Hayaan mo na siyang pagsisihan ang mga ginawa niya.

Nagulat akon ng umamo ang mukha ni Rafa at mamasa ang kanyang mga mata. Hinapit niya ako kaya yinakap ko rin siya at tinapik tapik sa likod. Matagal kami sa ganoong posisyon.Hanggang sa," Rafa,nangangawit na ako. Pwedeng umupo na tayo. Matangkad ka eh,maliit lang ako."

Pinaupo niya ako sa lap niya at yinakap ako,bale hindi ko kita mukha niya kase nakapatong iyon sa balikat ko. Hinayaan ko nang magpabebe ang mokong. Naiyak eh.

"Yay! Si kuya feeling baby!!" At tumawa ng malakas si Chico habang natakbo palayo dahil inabot ni Rafael yung slippers niya sa sahig.













Nagulat ako ng aking malaman na HIV positive si uncle,na naging sanhi ng pagkakaroon liver cancer nito bukod pa sa sobrang alcohol intake nito. Pero hindi ito maawat sa pag inom araw araw dahil iyon lang diumano ang kakampi nito.

Yung huli pala nitong kalaguyo ay last year lamang ulit nito nakaniig. Wala akong kaalam alam na nambababae si uncle. Ang akala ko ay lasenggero lang ito ngunit may kalokohan palang ginagawa. At nakarma nga ng malaman nito na positibo ito sa naturang sakit. Hindi matukoy kung kailan pa at kung kanino ito nahawa.

Napakagulo nga naman ng tadhana. Nasira na ang perpektong imahe ng paborito kong pamilya.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon