Chapter Thirty One

233 5 0
                                    

Rafael

We are on our way to Subic, Zambales. Kaming dalawa lang ni Angelina sa loob ng van. Kami ang huli at sa van na ito nakasakay dahil napuno na yung una. Narito lahat ng gamit. Pinili kong sa likod kami sumakay ni Angelina para makatulog siya.
Sa katunayan ay nakahiga siya sa aking lap. Pagod na pagod dahil tumulong pa siya sa paghahamda ng mga kagamitang gagamitin sa stay namin doon.

Kasalukuyang nagpapagas yung driver,medyo naunahan na kami ng van na sinasakyan nila mama.
Hinalikan ko si Angelina sa labi. Tulog naman eh. Ang kaso ay tinugon niya iyon at nag mulat ng mata. Naupo siya sa lap ko habang lumalalim ang halik namin..

Inilayo ko ang mukha ko para titigan siya. Ngumiti siya sa akin.

"Namiss kita Rafa. Para paraan ka ha? Sa likod para makatulog?"

Tumingin siya sa labas kung nasaan si manong na driver namin na kausap yung taga gasoline station. Iniyapos niya ang kanyang mga braso sa aking batok at hinalikan ulit ako. Napayakap ako sa balakang niya. Naninigas ang aking alaga at alam kong natatamaan siya. Pero imbis na magulat ay tumawa ito habang naghahalikan kami at lalo pang pinalalim ng halik.

"Rafa, rafa, hindi mo ako makukuha. Makontento ka sa kaya kong ibigay sayo." At hinalikan niya ulit ako bago kumalas sa pagkakayakap sa akin at nahigang muli sa lap ko. Saktong pasok ni manong at umandar na ang van.

Sobrang sakit na ng puson ko. Nakatagilid ang ulo ni Angelina paharap sa akin at nakangiti ito habang nakatingin sa mukha ko. Maya maya ay mahina itong tumawa bago pumikit.

Ano ba ang meron kami?




Angelina

Nangako ako kay Renz. Na tatawagan ko siya lagi. Hindi ako nag imbita ng mga kaibigan ko dahil alam kong marami nang bisita sa kasal ni kuya Jeric. December 23 na at bukas ay magiging busy na kami.

Pagkababa namin ni Rafael sa van ay sumalubong sa amin si Kenneth, at tumulong magbuhat ng mga bags.

Pinapasok na ako ni Rafael at sila na raw ang bahala sa mga gamit. Kaya naman iniwan ko na sila. 

Inilabas ko ang aking cellphone at nagpicture kung saan background ko ang dagat. Ipinadala ko iyon kay Renz.

Nag text siya sakin.' Love, miss na agad kita. Namamanhikan kami ngayon kanila Leanne. Ingat ka jan, love you Angel.'

Mahal ko si Renz. Pero hindi ko magawang magtiwala. Ako nga na unang nagmahal sa amin ay may ginagawang kalokohan,siya pa kaya?sa dami ng babae roon sa bar, ilang beses ko na siyang nahuling nakikipag flirt sa mga iyon. Ang akin lang,wag ko lang siyang mahuhuli na may ikakama sa mga iyon. Hintayin niyang nasa hustong edad na ako at ibibigay ko ang lahat ng gusto niya.

Mahal ko siya at alam kong mahal niya talaga ako. Pero may mga pangangailangan siya. Kaya malaking hamon sa amin ang maging loyal. Ngayon pa nga lang ay mukhang nawawala na ang loyalty ko.

Alam ko ang lahat lahat. Lahat mg inililihim ni tita Fina, ang tungkol sa arranged marriage namin ni Rafael, maging ang pagmamanman ng kaibigan ko at ng boyfriend nitong pinsan ko pala.
Kaya hindi ko sila sinama rito. Masyado ng maraming mata sa akin para dagdagan ko pa.

Kailan ko lang nalaman ang karamihan sa impormasyon  mula kay Eve. Yung iba naman ay inalam ko sa sarili kong paraaan.

Matagal na palang planado ang buhay ko. Na magiging asawa ko si Rafael. Hindi sa sapilitan iyon kundi sa ikagaganda pa ng kinabukasan ko.

At hindi ko na rin tinanong si Eve tungkol sa mga magulang ko. Iyon ang hindi lihim sa akin. Ang nakasanayan kong tawag kay inay ay nanay Laura, pero hindi iyon ang tunay na pangalan nito. Lauren Miranda- Andrade.
Ang ama ko na walang kaalam alam na may anak sila ng  kanyang nawawalang asawa na si nanay Laura.

Lumaki ako hanggang sa anim na taong gulang na mahirap lang kami ng nanay ko. Sa batang edad ay ipinaintindi sa akin ni nanay ang lahat. Kaya nung mawala si nanay at mapunta ako kay tita Fina ay malaking pagbabago sa akin iyon. Binibigay ni tita Fina ang luho ko kahit hindi ko hingin. Tinuturing akong tunay nilang anak. Magiliw sa akin si uncle Ted na minsan na ring pinagselosan ni kuya Jeric na panganay nito.

Nakapangalan ako sa aking ina at hindi naman nila ipinabago iyon na ipinagpapasalamat ko. At ang ama ko naman ay hindi ko alam ang first name. Wala akong balak na hanapin siya at dalhin ang pangalan niya dahil iyon ang kabilin bilinan ng nanay ko bago siya namatay.

"Nagmumuni muni ka?" Napatingin ako kay Rafael na nakatayo malapit sa akin. Nakaupo ako sa buhangin. Naupo rin siya sa tabi ko.

"Alam mo namang patay na patay ako sayo. Sorry kung lagi kitang iniinis nung mga bata pa tayo hanggang ngayon." Sabi nya at tumanaw rin sa dagat.

"Bakit? Hihilingin mo bang hiwalayan ko na si Renz?" Nakangisi kong tanong sa kanya...

Imbis na sagutin ang biro ko ay hinalikan niya ako. Mainit at puno ng pagmamahal. At tinugon ko naman iyon.

Angelina's Life TwistsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon