❤One❤

779 111 246
                                    


MIA

"Miyaaaaaaaang!" isang napakalakas na sigaw ang nagpabalikwas sakin, halos madapa pa ako para lang makalabas ng kwarto.

"Oh?" sagot ko sa kanya habang kumakamot ng gulo gulo kong buhok.

"Anong OH?anong oras na oh, wala ka bang balak pumasok?! ha?!" nakataas ang kilay,habang nakapamewang na sambit niya, kaya naman napanguso nalang ako,atsaka humilata sa sofa.

"Ate,ang aga aga pa kay--aray naman!" nagulat ako ng bigla niyang ihampas sa ulo ko ang hawak niyang sandok.

"Oh ano masaket?mas lalong sasaket yan kung hindi ka pa kikilos!maligo ka na!" utos niya pa,kaya naman napatakbo nalang ako patungong banyo.

Huhuhu--saket nun mga besh,gusto nyo itry?

Ay nakalimutan ko palang magpakilala,

Ako nga pala si Mia Mercader,

Isang babaeng,

Simple lang,

Maganda,

Maganda,

Maganda,

At syempre maganda,

Nasabi ko na bang maganda ako?

19 years old, habang 4th year highschool palang.

Wala kase kaming sapat na pera para ipang aral saken eh, halos 3 years old palang ako ng mawalan na kami ng magulang, ewan ko basta ang naalala ko lang, iniwan kami nila mom sa kung saan tapos hindi na binalikan.

Hanggang sa isang araw, may mababait na tumulong samin ng ate ko, Hindi na nga lang namin sila nakita pa. Ewan basta hindi na sila nagpakita pa at bigla nalang nawala, yan tuloy pinaalis kami nung may ari ng apartment dahil hindi na raw kami nakakapagbayad ng upa, kaya balik na naman sa pagiging lansangan.

Sinubukan nga naming hanapin sila, pero mukhang malayo ang bahay nila eh, walang nakakakilala sa kanila, sa mga nakatira doon. Hanggang sa sumuko na kami, nakitira nalang sa mga bahay kahit na itinuring kaming katulong, sa murang edad palang ng ate ko natuto na siyang magtrabaho para meron kaming makain sa araw araw.

Baket kaya sila biglang nawala?

Pero kahit na ganon, nag papasalamat parin ako sa kanila.

Panong hindi ka mag papasalamat, eh halos ibinigay na nila ang lahat?

Binigyan kayo ng matitirhan, binilhan ng magagandang damit, pang araw araw na pagkain, inalagaan at tinuring na anak.

Haaaaay,

Sana magkita pa ulit kami.

Kung hindi dahil sa kanila, nasa kalye parin siguro kami ngayon, at hindi rin sana nakapaghanap ng trabaho si ate para ipang aral saken.

Pero ilang taon na rin ang nakalipas.

Okay back to reality!

Ayun nga,yung ate ko namang akala mo laging may dalaw,ay si--

Marie Mercader,

Maganda rin yan, kaso masungit at akala mo laging kagalit ang mundo, pero wag kayo minsan.. yup! MINSAN lang sweet rin yan, yieeee kung siguro nababasa niya tong pov ko lumaki na ulo nyan, tadtarin ko ba naman ng puri eh.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon