❤Thirty❤

130 24 4
                                    

MIA


"ANO KAMO?!MS. CAMPUS?!" napapikit ako sa kaba dahil sa sigaw ni ate.

Huhu!

"Ang lakas ng loob mong sumali sa ganyan,eh ang tanong maganda ka ba?!" Aruuuy,dumilat ako at sinamaan siya ng tingin.

"Ay tinitignan mo nako ng ganyan?!ha?!" inambahan niya ako ng sandok niya kaya napatago ako sa unan na andito sa sofa.

"Maganda naman ako ah! Sila pa nga nagsabi eh!" pagmamaktol ko,kainis kase! Di nalang sumupport!

"Sinong sila?!yung mga nerd sa classroom nyo? Aba wag ka ng magtaka!" Ay?harsh!bumusangot nalang ako,at tumayo na.

"Saan ka pupunta?!" rinig ko pang tanong niya,pero hindi ko na siya pinansin at tuluyan ng lumabas.

Nakakainis kase!nagtatampo ako ngayon,wag kayong magreact!

Wala sa sariling nilakad ko ang kalsada papunta sa kung saan.

Panget ba talaga ako?

Grabeh kase makapagsalita si ate ko eh,akala mo hindi ako karapat dapat na sumali sa ganon.

*BEEEEEEP!*

Natauhan lang ako,nang may biglang bumusina.

Waaaaaah!

Muntik nakong masagasaan!

Napaupo ako sa kalsada.

"M-miss?ayos ka lang ba?"
yung feeling na,sasagasaan ka na tatanungin ka pa ng ganyan?bugbog o dignidad? Puny*ta!

"Mukha ba akong--" napatigil ako ng isang nasa edad 30s na lalake ang bumungad saken,pagtingala ko.

Naningkit ang mga mata ko, habang tinitigan ang nag aalala niyang mukha.

Parang..

Pamilyar..

"Miss?yuhoooooo!miss?" natauhan ako,nang kumaway kaway siya sa harapan ko.


"H-ha?opo naman!hindi nyo naman po ako nasagasaan eh!" Tinitigan ko ulet siya,para talagang pamilyar eh!hindi ko lang maalala kung kelan ko siya nakita.

"Okay ka lang ba talaga? may sumaket ba sayo? gusto mo dalhin ka namen sa ospital?" sunod sunod na tanong niya,napangiti naman ako.

"Hindi na po,ayos lang talaga ako." umiling iling ako at pinagpagan ang sarili.

"Hoy abno!why you took so long?!" napalingon kame sa isang babaeng kabababa lang mula sa kotse nilang magara.

"Ano ka ba naman pandak! saglit lang naman ako eh, miss mo ko agad?" ngising baling nung lalake.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon