MIA
May pag ibig talaga na dumadating sa maling panahon, maling pagkakataon.
Masakit man pero kailangan nating iwasan, pero kung talagang para sa atin yon--babalik at babalik parin yon kahit anong iwas naten.
Nabasa ko lang sa notes ni teacher google, baket?
"Good morning love!" bigla nalang may humalik sa pisngi ko at naupo sa tabi ko.
"Fries, you want?" dinakma ko agad yung inaalok niyang fries.
Sino ba naman ako para tumanggi?
"Di ka parin ba tapos dyan? Uwi na tayo." bumusangot siya nang sinagot ko lang siya ng pag iling.
Assignment toh, wag kayong istorbo.
"Manahimik ka muna." Suway ko,nang binalak niya pang magsalita.
"Ano ba kaseng ginagawa mo?" iritang tanong niya.
Sige,mairita ka lang haha!
"Assignment," hinila ko yung nguso niyang humahaba na naman.
"Tss," umiwas siya ng tingin tapos dahan dahang napangiti.
Geh,itago mo pa bebe!
Kitang kita ko naman na.
"Yieeeee, ngumingiti siya!" dahan dahan naman nawala yung ngiti sa labi niya at bumalik sa pagiging seryoso.
Magaling rin, hahaha!
"Wag mo kong inaaliw, ano ba kase yang ginagawa mo?" tanong niya kaya ako naman ang napasimangot.
Ang bipolar nito!
Pero baket kahit ganon siya, mas lalo ko lang siyang minamahal?
Ganyan naman talaga siguro kapag nagmamahal ka noh?
Kahit na abnoy pa yang taong yan--basta mahal mo siya, tatanggapin mo parin kahit ano pa siya.
Hindi rin lang nababase sa gwapo ka at maganda siya, nagmamahalan kayo.
Ika nga ng genius kong teacher, na si teacher google--
'Love is not between a beautiful man and women, love is between two beautiful hearts.'
Oha!
Nagets nyo ba? Kayo na bahala umintindi, naku.
"Assignment ba talaga yan? Sinong teacher naman nagpagawa? We don't have assignments." ay! *tampal ng noo* magkaklase nga pala kame nito.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...