❤Sixty❤

119 18 6
                                    

MIA

Nagising ako ng maga ang mga mata.

Umaga na pala.


Bumangon ako sa higaan ko at dumiretso sa banyo.


Nagulat pa ako nung tumingin ako sa salamin, may panda mga bes!

Halatang puyat na puyat.


Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa nalaman ko.

Hindi nawala sa isip ko kung panong isigaw ni ate sa mismong mukha ko ang lahat ng yon.

Na si ate Sam at Kuya Zy,si Tita Rein at Tito Lux ay iisa.

Kaya pala,

Kaya pala pamilyar saken ang mga mukha nila.

Ngayon nasagot na ang tanong sa utak ko na--

Baket parang pamilyar yung mukha nila?

Dahil sila lang naman yung dalawang taong itinuring kameng anak at iniwan rin pala sa huli.

Naramdaman ko namang nagsisisi na sila eh,sa mga tinutulong nila samen ngayon parang bumabawi na rin sila.

Narealize ko na,

Kaya pala napakabait nilang dalawa samen.

Dahil nagsisisi na sila,nagsisi silang iniwan kameng mga wala pang kamuwang muwang sa mundo.

"Miyang?" narinig ko ang marahang pagkatok ni ate dito sa pinto ng banyo.

Sa halip na sumagot ay tumitig nalang ako sa pinto ng banyo--yung para bang nakikita ko siya mula sa labas?

'Transparent' sa madaling salita.

Simula kagabi,hindi ko na alam ang mga nangyayare sa paligid ko,para bang nawala ako sa katinuan at natutulala nalang.

Hindi parin ako makapaniwala.


Stress na ba talaga ako?


Dalhin nyo na nga ako sa mental.

"Miyang?anong oras na, kanina ka pa dyan." hindi ko masyadong narinig yung sinabi niya kung kaya't nag madali nalang ako sa pagligo.

Tulalang lumabas ako ng banyo habang pinupunasan ng twalya ang sariling buhok.

"Finally!" nagulat ako nang bumungad saken si Reth Roces na nakaupo sa sofa namen,pero hindi ko pinahalatang nagulat ako.

Wala akong gana,para kiligin.

Oh,ano?susunduin na naman niya ako?

Tch!

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon