MIA
'Kung makakilala man ako ng isang brokenhearted,at magkagusto ako sa kanya.. Mas pipiliin kong iparamdam sa kanya,iparamdam sa kanyang gusto ko siya kahit may mahal parin siyang iba.'
Hindi ko mapigilang maiyak nang maalala ko lahat ng pinagsasabi ko noon sa pageant.
Pano ko ipaparamdam sa kanya na gusto--hindi,mahal ko siya kung siya na mismo ang gumawa ng paraan para iwasan ko siya?
Pano ko pa siya ipaglalaban, kung ngayon palang alam kong talo na?
Wala na eh,sa mga nangyareng yon sa kanila.
Alam kong mahal parin nila ang isa't isa.
Masaket isipin na IKAW nalang ang nagmamahal.
Ang tanong,minsan na rin ba niya akong minahal? O ginawa niya lang akong panakip butas?
Eh puny*ta rin pala siya eh!
Baket kelangan niya pang manligaw ng halos limang buwan kung gagantuhin niya lang rin pala ako?
Ano yon,trip trip lang?
Hindi eh!
Alam ko sa sarili kong totoo ang lahat ng mga sinabi niya.
Yung mga korni niyang mga banat.
Yung titig niya saken na para bang wala ng bukas.
Yung ngiti niyang ipinapamalas kapag kasama ko siya.
Yung paghalakhak niya kapag tawang tawa na siya sa mga kalokohan ko.
Yung panunuyo niya sa tuwing badtrip ako.Yung siya,
Siya na minahal ko at minahal rin ako.
Alam kong totoo ang lahat ng iyon.
Pero alam ko rin sa sarili ko na niloko niya ako at sinaktan.
Kahit saang anggulo mo tignan,yun talaga yung lumalabas eh.
Lumabas na sinaktan niya ako dahil nakipag*ehem* siya sa ex niya.
Waaaaaah!
Sa tuwing naiisip kong nag anuhan sila,hindi ko kinakaya!
Oh my gaas talaga!
Binatukan ko ang sarili ko sa sobrang inis.
Baket ba napakalandi nung lalakeng yon?
Meron pa siyang 'Im not the type of guy that you think.' na sinasabi noon.
Yung nasa bahay kame ni Lola Jo,naalala niyo pa? Sabi ko nga hindi na.
Yung nastranded kame sa bahay nila,tapos pilit kameng pinagtatabi sa kama? Oh ayan!sana naman maalala nyo na.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Подростковая литератураNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...