❤Eighty Six❤

109 14 8
                                    


MIA

*KRINGGGG!*

Hindi yan alarm,wag kayong ano.

*KRINGGG!*

Hindi nga sabe yan alarm!

Irita kong kinuha ang phone ko sabay sagot ng tawag--ay hindi pala saken yung tawag.

"Ateeee,tumutunog phone moooo." kumamot ako ng batok habang kumakain ng fries.

Linggo ngayon,kaya chill chill lang tayo hahaha!

"Ateeee?" iritang tawag ko ulet,nang wala akong marinig na sagot niya.


Asang lupalop na naman ba nagpunta yon si ate?

Yung buntis na yon talaga, napakakulit!

Oo nga pala,pang siyam na buwan na palang buntis ngayon ni ate ko.

Pero sige parin sa pagkilos na akala mo hindi buntis.

"Ateeeee!" tuluyan na nga akong nabadtrip at mabilis na tumayo mula sa sofa, sabay kuha ng phone niya sa mesa at sinagot ang kung sino mang ponsyo pilato na tumatawag sa phone niya.

"Hello?" muli na naman akong kumuha ng fries sa tupperware na pinaglalagyan ko at nagpatuloy sa pagkain.

[M-mia?baket ikaw ang sumagot ng tawag?Asan si honey?] napatigil ako sa pagnguya.

Parang pamilyar,

"Kuya Rave?!" hindi makapaniwalang sabi ko.

Oh my gaassss!

Sa tinagal tagal ng panahon, ngayon lang siya nagparamdam.

[Hmm,ako nga!sorry kung ngayon lang ako nakatawag, busy kase ako rito sa Saudi eh hehe, kamusta na kayo? si Marie?] bigla namang nawala yung ngiti sa labi ko.

"Oo nga pala kuya--saglet, kanina ko pa yon tinatawag eh,nasan na nga ba yon." hindi ko mapigilang kabahan.

Poteeeeek!

Sana naman,mali yung iniisip ko noh?

[Nasan siya?] ramdam ko yung pag aalala sa tono ng boses niya,pero hindi ko na siya nakuha pang masagot.

"Ate Ring?" tawag ko na naman.

Talaga nga namang bumilis yung tibok ng puso ko at halos hindi nako makahinga dahil sa kaba.

May nararamdaman talaga akong kakaiba eh.

Parang,

Para talagang--

May hindi magandang  mangyayare..

Sumilip nako sa CR kung andun ba siya.

Pero--waaaaah!WALA SIYA.

Tinignan ko naman sa kwarto kung andun ba siya.

Pero isa pa ulet na--waaaaaah!WALA NA NAMAN SIYA.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon