MIA
*SPLAAAAASH!*
Napabalikwas ako ng bangon,nang bigla nalang may kung anong bumuhos sa mukha ko.
Pagkamulat ko--mukha agad ng ate ko ang bumungad saken.
Pero teka--baket parang ang alikabok?
"Harina para sa maganda mong umaga kapatid ko!" ngising sabi niya kaya napasimangot ako.
"Morning lang--walang good." inis na bati ko,
"Happy Birthday!" muli na naman niyang pinagpag ang hawak na unan kung saan halos mamuti na sa sandamakmak na harinang nakaipon doon.
Napaubo ubo na naman ako,
"Salamat ate ah?" sarkastiko kong sabi,
Oo nga pala,January 30 na pala ngayon.
Ganyan talaga yang ate kong yan--tuwing birthday ko nireregaluhan ako.
Minsan nakong binuhusan ng tubig,
Pinadulas sa hagdan,nang walang kaalam alam dahil nga tulog ako.
Pinipicturan kapag tulog,
Nilalagyan ng glue yung kamay para paggising ako mismo maglalagay ng glue sa mukha ko.
Minsan na rin siyang pumasok sa kwarto ko dala ang mahiwaga niyang sandok kasama ang isang kaldero atsaka mag iingay siya gamit ang mga yon.
Tapos minsan pa nga--bigla nalang niyang hihilahin yung sapin ng maliit kong kama dahilan para mahulog ako sa higaan.
Tapos--
"Miyang ano?tutunganga ka nalang dyantumayo ka na dyan at nang makapag simba na tayo!" Dali dali akong bumangon,saglit na niligpit ang pinaghigaan ko.
Linggo nga pala ngayon kaya talagang may mass ngayon."Tara na ate?" baling ko kay ate matapos kong mag bihis ng pangsimba.
Napatingin naman saken si ate na nakapwesto na naman sa salamin.,
Tumaas ang kilay nito sabay pamewang.
Kumunot naman ang noo ko,
"Baket teh?" sinamaan niya ako ng tingin.,kaya napa atras ako.
Katakot haha!
"Seryoso ka ba dyan Miyang?short?plain white T-shirt?" gigil na sabi niya,kaya napabusangot ako.
Bigla kong naalala yung nag ampon samen noon.
Naalala ko pa kung pano kameng nag away ni ate nung birthday ko kase gusto niyang magluto para daw gawing handa ko.,eh hindi naman siya marunong magluto.at isa pa--mahigpit na bilin nung nag ampon samen na wag na wag kameng magbubukas ng kalan kapag wala sila,tapos biglang dumating yung mga nag ampon samen kaya ayun--pinakain kame sa Jollibee hahaha!namiss ko na tuloy sila.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
أدب المراهقينNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...