❤Sixteen❤

166 28 29
                                    

MIA

Tanghali na ng magising ako.

At nakakapagtakang wala akong narinig na sumigaw si ate,haha!

Is dis ang aking kapayapaan?

Iniligpit ko ang pinaghigaan ko at nakangiting lumabas sa kwarto ko.

Pero nawala ang ngiting yon ng lumabas ako ng kwarto, naabutan ko so ateng may dalang juice at inaabutan niya yung lalake.

"Pano na yan?" nag aalalang tanong ni ate na naupo na sa sofa.

"Hindi ko--" napatingin sila saken bigla.

"Oh Miyang?kanina ka pa ba dyan?" sinenyasan niya akong maupo.

Imbis na sumagot,naupo nalang ako sa tabi niya.

"S-sino siya,ate?" takang tanong ko.

"Ay oo nga pala!siya si Rave,boyfriend ko." Nanlaki ang mga mata ko.

"H-HANO?!" napaatras sila sa gulat,dahil sa naging reaksyon ko.

"BOYFRIEND KA PO NIYA?!" CAPSLOCK talaga yan para feel.

"Yeah!baket?" natatawang tanong ni kuyang pogi saken.

"W-wala lang po." siniko ako ni ate,atsaka ako binigyan ng ayos-mukha-look.


May boyfriend na pala si ate?

"At siya naman si Mia, kapatid ko." inakbayan niya ako,tapos ngumiti saken.

Yung ngiting gigil na gigil?

"Ang sweet naman nung name niya,parang ate niya lang." mas lalong lumapad yung ngiti ni ate,nang marinig niya yung sinabi ni kuya Rave.

#Harot,

"Ano nga po palang pinag uusapan nyo kanina?" pag iiba ko ng topic,dahil baka hindi ako makapagpigil--makurot ko sa tagiliran tong ate ko haha!

"Ay oo nga pala!si Mia nalang yung utusan naten!" napakunot ang noo ko,anong ako ang uutusan?

"Kung,okay lang sa kanya?" nahihiya namang tanong sa kanya ni kuya Rave.

K.

Ako na hindi nag eexist.

"Ay nako!okay na okay, pero kelangan may kasama siya." yieeeee~ sweet sweet talaga ng ate ko.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon