MIA
"Ayos na,makakaalis ka na." sambit ko pagkapasok ko palang sa maliit nameng gate.
Napataas naman ang kilay niya saken.
"Why so hurry?ayaw mo akong papasukin?" ewan ko ba pero, disappointment ba yung narinig ko sa tono ng boses niya?
"A-at baket naman kita papapasukin?" inis na sabi ko.
Sino siya para papasukin ko?
"Because--" sasagot na sana siya nang itaas ko ang aking kamay.
"Tagalog please?" natatawang tanong ko,kaya napairap nalang siya.
"Sabi ni ate Marie, kakausapin niya raw ako." napatulala ako.
"Kakausapin?" takang tanong ko, pero pinagbuksan ko parin siya ng gate.
"I don't know why,just let me in okay?" hindi nako nakasagot, nang tuluyan na siyang pumasok.
Naipit pa yung daliri ko sa makalawang na gilid nitong gate dahil sa taranta,kaya napasigaw ako sa saket.
Syete!
"Aray!" hinila ko agad yon mula sa gilid dahilan para dumugo yon.
Halaaaa!
"H-hey,anong nangyare?" para akong napaso nang bigla nalang niyang hawakan ang kamay ko para titigan yung dumudugo kong kamay.
"A-ayos lang ako." mabilis kong itinago sa likod ko ang kamay kong nagdudugo.
Eeeeh!anshaket,huhu.
"I didn't asked if you're okay, tinatanong ko kung anong nangyare?" seryosong tanong niya.
Napaiwas naman ako ng tingin.
Baket ba napakaano nito?
Masyadong nakakaano eh.
Nakakaano na eh!
"Mia?" napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko.
"Kanina pa kayo dumating?" kusot kusot ang matang lumapit siya saken para halikan ako sa pisngi.
Yieeeee,sweet naman!
"A-ah,kakarating lang namen ate,tara na sa loob." hinila ko na siya papasok ng bahay,habang sumunod naman si Reth Roces samen na sulyap parin ng sulyap sa kamay ko.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Ficção AdolescenteNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...