❤ Epilogue❤

242 18 26
                                    

Sabi nila, ang pagibig ay hindi lang basta basta salita.

Sa isang salitang ito, napapalooban na ito ng sari saring sahog--ay charowt, ano yun magluluto ng pansit? Hehe.

De seryoso na, sa 'pagibig' hindi mawawala ang..

'SKLS'

Oh wag kayong madepress, ieexplain ko naman eh!

Saya, sa tuwing kasama mo siya.

Kilig, kapag nagtatama ang inyong mga mata.

Lungkot, kapag hindi kayo nagkikita.

Sakit, kapag may kasama siyang iba.

Hindi natin ito matatawag na 'pagibig' kung hindi naranasan ang mga yan.

Mga pagsubok na handa kayong pahirapan mapatunayan lang ang tunay na pagibig.


Sa buong kwentong ito, natutunan kong magmahal, masaktan at magpatawad.

Magmahal sa taong--hindi ko akalaing mamahalin ko, ang isang cold heartless guy na nagpapakulo lagi ng dugo ko kapag nakikita ko, mamahalin ko ng ganto?

Masaktan, dahil sa maling akala, ayern kab*bohan ko kase hindi muna pinakinggan ang explanation kaya nasaktan lang sa wala.

Magpatawad sa mga taong minsan na ring nagkamali at nagsisi.

Kung saan naranasan ko ang lahat ng pagsubok at nalampasan.

Kung saan ilang beses kong nakaaway ang konsensya ko dahil sa hindi namin pagkakasunduan.

Bakit nga ba may nabubuong 'love'?

Ahh--dahil ito ang ginamit ng nasa taas para magawa tayo?

Mahal tayo ni God, kaya niya tayo ginawa.

Pero baket sa salitang 'love' na yan, maraming nagpapakat*nga?

Maraming nasasaktan,

Maraming umiiyak,

Maraming umaasa,

Maraming nawawasak,

"A love without pain, isn't love at all." Tama nga naman si Reth Roces sa sinabi niyang yon.

Hindi mo matatawag na 'love' ang pagibig kung hindi mo naranasang masaktan.

Ang pagibig ay may iba't ibang uri ng kwento.

Merong mga itinadhana nga, pero hindi naman itinadhanang magsama.

Meron namang itinadhana, na makakasama mo na habang buhay.

Kung anumang klaseng sitwasyon ang naranasan nila sa dalawang iyon, pagibig parin ang tawag don.

"Did you know that,there is only two happiness in life?" tanong ni Reth Roces, napakunot naman ako.

"To love, and to be loved." ngumiti siya saken at hinawakan ang kamay ko.

Oh ayan na naman, nanghaharot na naman siya akala mo nakakatuwa!

"Mia!" napatingin kami sa dalawang taong kumakaway samin mula sa malayo.

Si Luxein at Eliot, ang dalawang linta naming kaibigan.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon