Dedicated to: Krahmurkie salamat sa cover kuya!❤MIA
*ikot*
*Higa*
*Lipat ng ibang posisyon*
*Upo*
Arghh!HINDI AKO MAKATULOG!
Araw araw nalang ba?
Araw araw ko nalang bang iisipin yung sir*ulong yon?!Baket ba kase hindi yon mawala wala sa isip koooo?
Kaasar!
Nanggigil ako sa sarili ko, gusto kong sapukin ng ilang ulet tong sarili ko kaso--mahal ko sarili ko eh, hehe kayo nalang kaya sapukin ko?
"Miyang," napabalikwas ako sa biglaang pagkatok ni ate mula sa labas.
"P-po?" bumangon ako mula sa higaan at inayos ang sarili,bago siya pagbuksan ng pinto.
"Ayos ka lang ba?" nag aalalang mukha niya agad ang bumungad saken.
Mabilis ko namang pinunasan yung luha ko.
Umiiyak na naman ako dahil sa lalakeng yon.
"A-ayos na ayos ate, ba't naman ako hindi magiging ayos ate? Ayos lang talaga ako." umiwas ako ng tingin, nang mapansing nakatitig na siya saken.
B-baket ba hindi ako magaling kapag pagsisinungaling na ang usapan?
"Hmm, sigurado kang ayos ka lang?" hindi nako nakapalag pa nung tuluyan na siyang pumasok ng kwarto.
Sige, push mo yan ate! huhu.
Napatingin ako sa tyan niyang medyo malaki na ngayon.
Ilang months na nga ba yon?
6 months? 7 months?
"O-oo naman ate, sure na sure yan!" pinulot ko agad yung phone ko na mukha niya yung wallpaper, shh lang kayo--araw araw ko yang tinititigan bago ako matulog.
"Eh baket, namumula yang mga mata mo? Ha?" pinanlisikan niya ako ng mata.
Huhuhu!broken na nga--mukhang masesermonan pa.
"Ikaw kaseng bata ka,iwas iwasan muna ang kakaharot ah? mag aral ka muna,bago yang boyfriend boyfriend na yan!oh ano, niloko ka? sinaktan? Tch, tch,tch! Yang batang yan talaga,subukan niya lang magpunta rito,talagang makakatikim--" pinahinto ko na si ate sa kakadaldal.
Eh kase naman,hindi ko na siya ma-take.
"Ate,don't say badwords." Umirap ako sa inis.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...