❤Ninety Three❤

132 13 17
                                    


MIA

Nakasakay na nga pala kami ngayon sa van ni Tito Lux, papunta sa pupuntahan.

"Baby, akin nalang kase to!"

"Pero isa nalang to by, hati nalang tayo?"

"Ay, sige iyo nalang yan."

Hindi ko mapigilang mapairap dahil sa ingay ng dalawang to.


Kanina pa yan nag aagawan sa nag iisa nalang na toblerone.

Kinain ko na lahat eh hehe.

"Tch!/Tss," nagkatinginan kame ng katabi ko at sabay na nagtawanan.

"Oy, Miyang! Tatawa tawa ka lang dyan--kahit alam mo namang kasalanan mo to!" pabulyaw na sabi saken ni Lux mula sa likod.

Napalingon naman ako at balak na sanang magsalita kaya lang...

"Kasalanan ba ni ate Mia na mahaharot kayo?" sabat ni Rangel, napanganga naman sila pareho.

Minsan na nga lang yan magsalita eh.

Eh pano ba naman puro lang sila harutan, hindi nila napapansin na inubos na pala ng mabait na tulad ko ang mga pagkain nila.

"Ikaw talagang bata ka,
kung makapagsalita ka--ikaw ba mas matanda saten? Ha?" at sila naman ngayong dalawa ang nagbulyawan.

Hays *iling*iling*

"Luxein, Rangel! manahimik na kayong dalawa, naririndi nako." Sambit ni Tita Rein na nakahawak na sa noo niya, nadedepress na si Tita haha.

"Shhhh!" suway ko, napatigil naman sila at napatahimik.

"Bes, may toblerone ka pa ba dyan?" tinignan ko siya at nginitian.

"Wala na Bes eh," Pag sisinungaling ko, ang totoo kase nyan may natago pa ako sa bag ko, shh lang kayo!

Kanya kanyang balik nalang tuloy sila sa ginagawa nila.

Si Tito Lux na siyang nagda-drive, si Tita Rein na nasa passenger seat.

Yung dalawang mahaharot, bumalik na naman sa paghaharutan, si Rangel na tulog na sa tabi ni Lexie na busy sa kakalaro ng wordscape.

At si Reth Roces na bumalik na naman sa pagtitig saken.

"Gusto mong makinig?" Alok ni Reth Roces ng hawak niyang pares ng earphone, ngumiti naman ako at mabilis na hinablot sa hita niya yung camera KO, binigay na niya saken yon noon eh.

"Namiss ko toh, pahiram ah?" ngumiti naman siya at itinaas baba ang kilay niya, bago isinuot ang parehong earphones sa tenga niya.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon