MIA
"Oy,may pulbo ka?""Penge nga akong liptint beh,"
"Peram suklay!"
Iritang iniuntog ko nalang ang ulo ko sa desk ko.
Nakakastress maging secretary noh?lalo na kapag ganto kagulo ang mga kaklase mo.
"Good morning class," napaayos ang lahat ng bigla nalang dumating si Mr. Ferrie,adviser namen.
"Goodmorning!" bati ng mga kaklase ko habang tumingin lang naman ako sa harapan.
"Wala tayong ibang gagawin ngayon,kundi magdisscuss about sa darating na Intrams."
"Oh my gosh!"
"Excited nakoooo~"
"Nice,nice!"
Kelan kaya magiging payapa ang classroom namen?
Noh?
"Oy Bes,voluteer raw sasali sa Ms.Campus oh!sali ka na." bulong saken ni Luxein.
Tinignan ko naman siya,at sinamaan ng tingin.
"Tong mukhang toh?isasali mo sa Ms.Campus?ay wag nalang." iiling iling na sabi ko,masyado nakong maganda para sumali pa sa ganyan.
(Author: may aircon na naman bang tumubo dyan sa katawan mo?super hangin eh.)
"Huy Bes,maganda ka kaya,tanong mo pa si Reth eh." Kinalabit niya yung nasa harapan niya.
"What?" clueless na tanong ni Reth na mukhang hindi kame narinig sa pinag uusapan namen.
"Wala!si Bab--Eliot na nga lang ang tanungin naten, Eliot?" kinalabit niya naman yung katabi ni Reth Roces,na lumingon agad samen.
"Yes Bab--hehehe Luxein?" ano ba yang 'bab' na yan?
"Diba,maganda naman si Bes?" hinawakan niya ako sa baba at pinaharap kay Eliot.
Ngumiwi naman ako,medyo masaket sa baba ah?medyo lang.
"Hmm,yeah!pero mas better ka parin." tumingin siya kay Luxein at ngumisi.
Oh edi kayo na!
"Tch,tabi nga!dyan ako!" inis na tinulak ko siya sa upuan niya kaya napaalis siya doon,atsaka ako naupo sa tabi ni Reth habang si Eliot the Engot naman umupo sa tabi ni Luxein,na kilig na kilig na ngayon.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...