❤Fifty Two❤

133 20 18
                                    


MIA


"Ketchup,gusto mo?" alok saken ni Dave ng hawak niyang ketchup.


Andito parin nga pala kame sa canteen nag aalmusal, nakalimutan ko kaseng mag almusal kanina sa bahay.

At isa pa,wala si ate don nagtext lang siya na may importante lang siyang pinuntahan.

"Ayaw niya ng ketchup." hindi nako nakasagot,nang pangunahan nako ni Reth.

Oh edi siya na!

Pero,

"Pano mo nalamang ayaw ko ng ketchup?" Takang tanong ko,nihindi ko nga nabanggit sa kanya yon kapag kasama ko siyang kumakain eh.

"I just," kumibit balikat siya.

"Knew it." ngising sabi niya at binuksan ang Gatorade na nakapatong sa mesa.

Napairap nalang ako,ang gulo niya sumagot.

"Want this?" inilahad niya saken ang kabubukas lang niyang Gatorade.

Napangiti naman ako.

"Ikaw talaga,napakasweet mo--" napanganga ako,nang diretso niyang inilapit ang Gatorade sa bibig niya at basta basta nalang uminom doon.

Ay bastos?

"Oh eto,ininuman ko na yan ah--para naman ganahan kang uminom dyan at kumain." kalmang sabi niya sabay kindat.

Waaaaht?

Nabilaukan ako sa narinig dahilan para dali dali kong kuhanin yung Gatorade sabay lagok.


Oh my gaas!

"E-ehem," pagpapansin ng kaklase nameng hindi na pala namen napansin hehe.

"E-eh etong coke Mia,gusto mo?" inilapag niya sa harapan ko ang isang bote ng coke(mismo).

Tatanggi na sana ako nang unahan na naman ako ng isa dyan.


Ano bang problema ng lalakeng toh?

"She won't drink that,alam mo bang sobrang daming chemical ang nakahalo dyan?" sambit na naman ni Reth,napatawa ako nang makita ang reaksyon ni Dave,hindi na mapinta.

Para siyang natatae na naiihi na naiinis na naiirita na naaning na nababadtrip na ewan.

"Nakakabadtrip ka na ah, ginag*go mo ba ako?" nagulat ako sa sinabi ni Dave.

Yung kaninang boses pang minions niya ay napalitan ng maskuladong boses.

Huwaw!

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon