MIA
Naglalakad ako ngayon dito sa kanto dahil pwede namang i-walking distance yung school..
Aga ko ngayon noh?
Namaaaan! minsan kase napapagod na yung tenga ko sa kakarinig sa sermon ng ate ko kaya ayun--kumilos nako agad.
Matiwasay akong naglalakad ng mapansing may mga unggoy na nakatambay sa gilid ang mga nakangisi habang kung makatingin saken, akala mo hinuhugot buong lakas ko.
Wow namaaaan! iniinsulto ba ako ng mga shokoy na toh? haha--sorry sa mga nicknames--ganon naman talaga mukha nila--joke..
Sinamaan ko muna sila ng tingin at agad na binilisan ang paglakad..
Mga gorilyang yon..
*Toink..*
Nagulat ako ng biglang tumama ang noo ko sa isang payat na dibdib o sabihin na nateng ribs?..peace✌
"Teka lang naman miss.. mukhang masama gising mo ah--gusto mo bang pagandahin namin mood mo?.." ngising mukhang asong tanong niya..
"Kaya nga miss..gusto mo ba?..hmm?.." sambit naman ng isang ipis na pinag lalaruan ang buhok ko..
Hinampas ko nga--habang tumatagal nasisira na ang mood ko!!tch!!
"Tabi nga tabi nga!!ang aga aga!!" pinagtutulak ko nga para makadaan ako..
Hindi ako kinakabahan eh.. HINDI TALAGA!!
(Author: ba't defensive ka?..)
Readers kayo kaya kapag napadaan kayo sa isang kanto tapos puro lalakeng mukhang paa ang naka tambay habang nakatitig sayo--anong mafefeel nyo?..
"Ayaw mo talaga miss?.." tanong naman nung mukhang baboy dahil sa malaki niyang ilong--joke lang..sorry talaga sa mga salita wala kase talaga ako sa mood..
"Thanks..but no thanks!!" sarkastikong sabi ko atsaka sila muling sinamaan ng tingin..
Naglakad na ulet ako pero napatigil rin ulet ng may humawak sa magkabilang braso ko..
A-ano..
A-anong ibig sabihin nito?..
"Hoy!!hoy ano ba!!ano toh?!!waaaaaaah huhuhu ateeeee!!" napapatalon talon sa sobrang kabang sigaw ko..
Alam nyo bang ang aga aga pa para may makarinig saken sa lugar na toh?..eh mukhang mga tulog pa ang kapit bahays eh!!huhu!!
"Halika miss--dun tay--" balak pa sana akong hilahin ng mga toh sa kung saan ng biglang may dumaan sa gilid namin..
Napahinga ako ng maluwag..
Sa wakas!!
"TULONG!!tulong!!!kuyang nakauniform na naka kulay black na bag!!" sigaw ko habang pilit na nag pumiglas sa mga manyak na toh!!
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...