MIA"Tapos na ang 'Family Day',merienda na tayo." alok ni Tito Lux nang magkasabay sabay kameng maglakad patungo sa gate ng school.
Inshort,pauwi sa pinanggalingan.
"Ay hindi na po,uuwi na rin kame diretso sa bahay, doon nalang kame kakain." gaya ng inaasahan, tumanggi na naman si ate ko.
"Ay ganon?ayaw nyo talagang sumabay samen?" dismayang tanong ni Tita Rein habang tinitigan naman ako ni Luxein na parang sinasabing 'may-problema-ba-yan-si-ate-Ring(Marie)-look.
"Eh?syempre gusto Tita! minsan lang tayo,nagkaka sama sama eh." kinindatan ko si Tita Rein dahilan ng pagtawa niya.
"Hindi," Mabilis na tanggi ni ate,matalim akong tinitigan.
"Ano na naman ba yon ate?" iritang tanong ko,eto si ateeee!nakakailan na toh ah!
"Wala!sige sasabay na po kame." masama ang loob na sabi niya.
Napabusangot naman ako.
Baket feeling ko may problema tong ate ko kina tita?
O baka nagfe-feeling lang na naman ako?
Napatingin ako sa lalakeng kasabay ko lang maglakad kanina,pero naglalakad na ngayon palayo samen.
"Oy,robot!" tawag ko na binato pa siya ng hawak kong lobo,saan ko nga ba yon napulot?ah basta!sa paligid hehe.
"Hmm?" lumingon siya saken habang nakataas ang kilay.
"Saan ka pupunta?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya,napansin ko namang nauna na sina Tita sa paglalakad.
Nakita ko rin kung panong titigan ako ng masama ni ate.
Eh?
"Home," tinignan ko siya ng seryoso.
"Baket hindi ka manlang magpaalam?napakabastos mo talaga noh?" irita na sabi ko,nakakainis kase!
"Tss,fine!Uuwi nako." tumalikod na siya at magpapatuloy na sana sa paglalakad,nang pigilan ko siya.
"Ano na naman ba?" sinamaan ko siya ng tingin.
"Sumama ka samen,mag memerienda pa raw!" umiling iling naman siya at kumaway na--hudyat ng pagpapaalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/164648417-288-k27359.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Novela JuvenilNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...