LUXEIN"Babyyyyyyy?" naiiritang hinawi ko ang kamay niyang balak hawakan yung kamay ko.
Nagtatampo ako sa kanya ngayon,kaya wag kayong magulo.
"Baby,nagtatampo ka ba?" pinandilatan ko siya ng mga mata.
HINDI BA HALATA?
"Sorry na kung hindi kita nasundo kanina sa bahay nyo,nagkaroon kase ng emergency eh." hindi ako sumagot.
Bahala siya dyan.
"Sorrryyyyyy?" napaiwas nalang ako ng tingin,nang tumitig na siya saken habang nakapout.
Baket kaya ang gwapo gwapo parin ng baby ko, kahit saang anggulo?
Shocks!nagtatampo ako ngayon diba? Hindi siya gwapo--NGAYON lang hehe.
Pero teka,ano naman kayang emergency ang sinasabi niya?
"Anong emergency?" diretsong tanong ko,bigla namang nanlaki yung mga mata niya.
Para bang hindi makapaniwala sa natanong ko.
Nahibang? Haha!
"A-anong emergency?Wala akong sinabing emergency, ano ka ba babyyy!sinusuyo lang kita,nawawala ka na sa katinuan--wag pahalatang sobrang apektado baby,alam kong gwapo ako." napangiwi ako ng kindatan niya ako.
Edi meow! Oo gwapo siya, pero--
"Maganda naman ako!" bulyaw ko,akala mo ikaw lang may karapatang mag mayabang?
"Oo nga baby,baket sinabi ko bang panget ka?" gigil ko siyang tinitigan.
Ang sarap sarap talaga nitong halik--tirisin.
Argh!
"Hoy,ano na nga yung emergency na sinasabi mo? Wag mong kino-curious ang isang maganda,dahil hindi maganda mangyayare sayo." Imbis na kabahan siya sa sinabi ko,napangisi lang ang gwapo.
Oh sige na nga,
GWAPO NA SIYA,Wala nakong magagawa don.
"Ano ba yang hindi magandang mangyayare saken na yan? Sample nga!" Pumalakpak siya sabay titig saken.
Kinuyom ko naman ang kamao ko,sabay pakita sa kanya.
"Gusto mo tikman?" banta ko.
"Tikman ang alin?" inosenteng tanong niya sabay tingin sa ano ko.
Hulaan nyo nalang kung saan siya tumingin.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...