❤Nineteen❤

151 27 7
                                    

MIA

Tulala kong inikot ang paningin ko sa paligid.

"Pasensya na kayo,kung ganto kaliit lamang ang aming tahanan,at ganto kakalat,hehe." pinulot nito ang isang underwear na nakakalat sa may sofa at inilagay sa lalabhan.

"Ayos lang po," sagot ko at siniko si Reth na busy sa cellphone.

"What?" iritang baling niya saken.

"Ano raw sabi nung katawag mo?" curious na tanong ko.

"Tss,it's none of your business." Burnnnnnn!

"Tch!" sinamaan ko siya ng tingin at nagcross arm.

"Oh heto iha,iho,basang basa kayo--magpalit muna kayo,baka magkasaket kayo nyan." tinanggap naman namen agad yung tag isang white T-shirt.

"Salamat po lola!" Sabi ko.

"Lola Jo nalang ang itawag mo saken,at yung kanina namang kasama ko ay si Ligaya,apo ko yon." napatango naman ako.

"Doon," tinuro niya ang isang sira sirang pinto.

"Doon ang banyo,kayo'y magpalit muna habang ihahanda muna namen ang ating hapunan." sambit niya at nagpunta sa labas kung saan nag-aano na si Ligaya doon sa ulingan ba yon.

(Author: Tama ba ako guys? Ulingan tawag don?)

Oh diba?hindi rin alam ni otor?

Napatingin ako kay Reth na tulala lang na nakatingin sa T-shirt.

"Tititigan mo nalang ba yan?" pang aasar ko.

"Tss,how about you?ba't hindi ka pa magbihis doon?" tumaas ang gilid ng labi niya.

"Ikaw na ang mauna, nakakahiya naman sayo." sambit ko na bahagya siyang tinulak papasok doon.

"No,you may go first." Sabi niya naman at hinila ako papunta doon.

"Hindi ayos lang,mauna ka na." tumawa ako ng mahina.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon