❤Seventy Three❤

125 18 35
                                    

MIA


"GOODMORNING PILIPINAS!"

Nakangiting bumangon ako sa pinaghigaan ko,at parang si 'The Flash' na iniligpit ng mabilis ang pinaghigaan ko.

*Tiklop*


*Pagpag*


*Ayos*

Ayan!tapos naaaa~

Oras na para maligo.

Dumiretso ako sa banyo at nag umpisa ng maligo.

Teka,teka.

Parang may napansin ako.

Parang may mali,

Wala yata si ate sa kusina nung dumaan ako?

Matapos maligo ay agad nakong lumabas para bumalik sa kwarto ko.

Nagbihis nako ng uniform at lumabas ulet ng kwarto habang nagsusuklay.

"Ateeeee?" pinulot ko ang bag ko mula sa sofa.

"Ate,nasan ka?" takang tanong ko.

May almusal na kaya?

Nasan kaya yon si ate?

Imposible namang umalis siya nang hindi nag papaalam saken.

"Ate--" napatigil ako nang mapatingin ako sa may pintuan palabas ng bahay.

Nakatayo doon si ate habang nakangiti.

Nabaliw na ba ang ate ko?

"Uy,ate!" natauhan naman siya at napatingin saken.

"Uy ka rin!baket ka naninigaw?" iritang sabi niya.

Eh? Irita na agad?

Wala pa nga akong ginagawa *pout*

"Eh kase,para kang timang dyan na ngiti ng ngiti,ano bang meron dyan?" lumapit ako sa kanya,at natagpuan ang tatlong piraso ng rose sa mismong tapat ng pinto.

"Saan galing toh?" pinulot ko yon at takang inabot sa kanya.

"Kay Rave," kinikilig na inamoy niya ang mga rose na yon.

Eh?

Teenager lang teh?

Napakaharot,

"Pano ka naman nakakasiguradong galing yan sa kanya?" nakangiwi kong tanong.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon