❤Ninety Four❤

108 13 16
                                    

MIA


Andito parin nga pala ako ngayon sa may sulok haha!  pinapanood yung nagvo-volleyball na sina Luxein, Eliot, Dave at Mitch.

Oo, andito na sina Mitch!

Napatawa ako nang mapansing sumubsob si Eliot sa buhanginan nang binalak niyang saluhin yung bola.

Sir*ulo kase, nagvo-volleyball sinalo yung bola?

Iba din, hahaha!

"Hey, love." lumingon lingon ako sa paligid, kunware walang naririnig.

"Tss, fries! gusto mo?" napatingin ako sa kanya nang maglahad siya ng isang tupperware.

Mabilis pa kay 'The Flash' na inagaw ko sa kanya yung tupperware at agad binuksan.

Ganon nalang ang pagkadismaya ko nang marealize na hindi pala fries ang laman non.

"Ano ba yan, Reth! napaka paasa." kumamot ako ng ulo sabay kuha nalang ng manok na nasa tupperware.

"Always hope, but never expect." eh?

"Kase masasaktan ka lang." ANO RAW? Ang dami niyang sinasabi, wala naman akong magets!

"Alam mo, gutom lang yan! Oh kainin mo to, pakabusog ka ah?" binalik ko sa kanya yung tupperware na tinanggap rin naman niya.

"I'm on diet, love." iritang sabi niya, napalaki naman ang mata ko.

"D-diet? baket ka naman nagd-diet?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"To seduce you," wtf? tuluyan na ngang bumagsak ang panga ko hanggang buhanginan.

To seduce you,'

To seduce you,'

To seduce you,'

Asdfghjlk!

Napatawa ako ng pilit sabay hampas sa kanya.

"Manahimik ka nga! napakaharot mo." pilit na tawang sabi ko.

Baket bigla akong kinabahan?

"Totoo nga, gusto mo makita?" seryosong tanong niya, napatameme naman ako.

"Ha?" Ang alin?

"My sexiness," HALA! ANO RAW? napahawak ako sa tenga ko, nirerewind kung ano yung narinig ko ilang segundo palang ang nakalilipas.

Hindi pa man ako nakakaget over sa narinig ay bigla nalang siyang tumayo at hinubad ang suot niyang sando.

Oh my gaas!

MY INNOCENT EYES! *takip ng mga mata*

"Pfft, Tara swimming na tayo," Aya niya at paseksing tumakbo patungo kina Eliot.

Napatulala naman ako habang halos tumulo na ang laway sa nakita.

Pandesal~

Ilang pack ba yon?

Inimagine ko ulet sa isip ko yung mga pandesal na nakita ko, sabay bilang.

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7...8?" para akong nabaliw nang marealize na..

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon