❤Twelve❤

159 29 4
                                    


MIA


Hinihingal na huminto kameng dalawa sa tapat ng classroom..

Inayos ko ang sarili ko kase mukha nakong bruha dahil sa pagtakbo namen..

Pano ba naman hanggang dito sa school hinabol kame ni koyang may dalang itak kung hindi lang siya hinarangan ni manong guard ng school namen wala siguro siyang balak tumigil..

Ewan ko na kung anong ganap doon haha..

Baka naitak na ni koyang lasenggo si manong guard..

Ayun nga--lumingon ako sa tabi kong parang chill na chill lang na nakatayo habang nakapamulsa..

Nagkatinginan kame at sabay na napatawa..

"Potek..akala ko talaga katapusan ko na eh.." iiling iling na sabi ko at napa hawak pa sa dibdib ko..

"Same.." kibit balikat na sagot niya kaya natawa nalang ulet ako..

"Yare tayo kay Maam nito.." bulong ko at nag aalinlangan pang buksan yung doorknob..

"Tss..7:50 na.." napatingin ako sa kanya..

"WAAAAHT?!!" napasigaw ako sa gulat..

10 minutes nalang matatapos na yung Math subject namen!!

At tumigil ang mundo~ joke..

"Wag na tayong pumasok.. mas lalo tayong papagali--" biglang bumukas ang pinto..

"Oh!!Ms.Mercader?..Mr. Roces?..why are you late?.." tanong niya kaya bahagya akong napaatras..

Sasabihin ko ba?..

Sasabihin ko ba kung ano ang pinagdaanan namen kanina?..

"Tss.." kalmadong umiwas lang ng tingin si Reth habang ako tong nababaliw na kung pano magpapalusot..

Siniko ko nga..

"Ouch.." daing niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin..

"Magsalita ka naman.." bulong ko habang nakatingin kay maam na taas kilay na nakatingin samen..

"Hindi kayo sasagot?.." napatameme nalang ako ng tignan niya kame ng killer stare..

(Author: ooooh!!meganon?..)

Ewan ko sayo otor..

"Okay..I'll give the two of you.." ngumisi siya kaya kinabahan na kame..

Creepy..

"A punishment.."

***

Kunot na kunot ang noong tinignan ko ang 100 items na tinest nila kani kanina lang..

Baket parang mas marami naman yata ngayon yong tinest nila?..

Ako kase ang madalas mag check ng test namen dahil nga ako yung secretary pero kakaiba talaga ngayon eh..

"Obviously..our dear teacher--" sinamaan ko siya ng tingin ng magsalita siya..

"Wag kang mag english.." iritang sabi ko..

"Okay okay!!" tinaas niya ang dalawang kamay na para bang sumusuko..

"Oh ano nga palang sasabihin mo?.." tanong ko at nagpatuloy sa pagcheck ng testpapers..

"Like what I said earlier--siguro galit na talaga si ma'am kanina at saten niya yon naibuhos.." napa ngiti nalang ako..

Ang cute pala niya magtagalog..

Baket ganon?..

"Baka nga.." kibit balikat ulet na sabi ko atsaka siya nilingon na busy na ngayon sa pagchecheck ng test..

"Reth.." wala sa sariling natawag ko..

"Yes?.." busy sa pag checheck na sagot niya saken..

"A-ano..ayos na ba kayo nung Mitch?.." curious na tanong ko..nakita ko namang napahinto siya sa ginagawa..

"O-okay lang kung wag mo ng sagutin hindi naman kela--" napatigil ako ng sumabat siya..

"We're not..and I have no plan,to tell her about it.." tulalang nasabi niya kaya napahaplos nalang ako sa likod niya..

"Kakaiba pala magmahal ang isang robot.." bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya agad akong napazipper ng bibig..

"It's not a joke.." seryosong sabi niya at nagpatuloy na sa ginagawa..

"Baket sinabi ko bang joke?.." umirap nalang ako at tahimik na nagcheck ng sandamakmak na test paper..

Nakuuuuu!!

Eto na ba ang regalo saken?..

Gabi na ng matapos namen ang gawain..

"Arghhh.." uunat unat na sabay kameng tumayo sa pagkakaupo atsaka pinatunog ang leeg..

Humalang sabay na sabay ang pagkilos namen..

Pati na rin yung pag papatunog namen ng mga kamay..haha!!sabay rin..

"Tss..ginagaya mo ba ako?../gaya gaya ka noh?.." sabay nameng tanong dahilan para mapatigil kame at sabay na napatawa..

Parang hindi Brokenhearted tong si koya nyo noh?..

"Let's eat.." woah!!niyaya niya ba ako?..

"Libre mo?.." tanong ko na sinagot niya lang ng pagtaas ng gilid ng labi..

"Uuuuy..dali na--wala nakong pera eh.." pano ba naman ako yung nanlibre sa kanila nung nasa inasal kame..

Eh sila naman tong mga Richkid..

"Tss.." sa sagot niyang yon parang kumislap ang mga mata ko..hahahaha!!it means YES..

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon