Dedicated to: Nerdy_Nadz thanks for reading!MIA
"Psst,bes." napairap ako sa hangin,nang muli na naman akong kalabitin ng katabi ko.Kanina pa yan,napakakulit!
"Ano ba?" iritang sagot ko, buti nalang hindi kame masyadong naririnig ng teacher namen kase nagdidisscuss siya about sa 'Family Day' na magaganap next week.
Gusto ko sanang sumama, kaso sino namang isasama ko?
Si ate ko?
Si ate ko na busy sa trabaho para may makain kame sa araw araw?
Kung aayain ko man siya, sure na sure akong hindi yon papayag!
Sasabihan niya lang ako ng 'gastos lang yan,dito ka nalang sa bahay.'
Nakakalungkot isipin na wala na kameng time ni ate sa isa't isa.
Kahit isang araw hindi manlang kame nakapag bonding.
"Kayo na ba ni Reth?" napanganga ako sa diretsahang tanong niya.
Waaaaht?agad agad?
"H-ha?" Teka,baket ganon yung sagot ko?
"H-ha?k-kayo n-na ba ni Re-Reth?" sinamaan ko siya ng tingin,tch!abnormal.
Tinignan ko naman si Reth Roces na walang emosyong nakatingin sa teacher namen.
Akala mo talaga nakikinig eh noh?
"Hindi pa," Hindi nag iisip na sagot ko.
Anong sinagot ko?
"Hindi pa?!" medyo malakas na pabulong niya, inambahan ko nga ng batok.
NapakaOA!
"So--magkakaroon palang? nanliligaw na siya?" muli na namang tanong niya, napabuntong hininga ako.
"Hindi parin eh." dismayang sabi ko.
At baket niya naman pala ako liligawan?
Ang tanong,gusto niya ba ako?
"Psh,ay ang hina pala nyan eh,babagal bagal." umiling iling siya at bumaling nalang sa teacher namen.
Kaya nga,babagal--TEKA!
"Kung makapagsalita ka akala mo naman--sabagay, di naman katulad ni Reth Roces si Eliot Elvias na madali mong nasagot,hoy! nanligaw ba yon sayo?" taas kilay na tanong ko.
Oo!pumayag akong maging sila pero hindi ako makakapayag na hindi siya magkwento saken!
Hindi nga ako naglilihim sa kanya eh.
Oo!
Tama kayo ng basa,hindi ako naglilihim sa kanya.
Pati yung pagconfess ko kay Reth Roces nung isang araw, kwinento ko rin sa kanya!
Napakaunfair,
"Uhm--hehehe,Bes." parang lintang kumapit ang mga kamay niya sa braso ko sabay kurot.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Novela JuvenilNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...