Dedicated: _SamAnonymous_ thankyou po sa pagbabasa!
MIA
"Dito ako matutulog!" sabay tulak ko sa kanya,pero dahil malaki tong kama, napahiga lang siya sa gilid at hindi bumagsak sa sahig.
"This is my bed,kaya ikaw ang matulog don sa sofa!" ay wow!
Tch!paulit ulit nalang ba?!
"Bisita mo ako!" Akala mo ah?!
"Tss,why don't you sleep at our guest room?" ngising tanong niya,napasinghap naman ako ng biglang kumidlat,bigla na naman kaseng umulan.
"E-eh sa ayoko doon eh!" Huhu!wala akong kasama, ang laki laki kaya ng mga kwarto rito.
"Wow,nag iinarte ka na ah?" napabusangot nalang ako at tumigil ang paghampas ng unan sa kanya.
"Oh sige na!sige na!" lumundag ako paalis sa malaki niyang kama atsaka nagteleport papunta doon sa sofa.
Ako na mag a-adjust.
"Tch!" dumapa ako sa kama at nagkunwareng natutulog.
Pero totoo,matutulog na talaga ako,kumikidlat at kumukulog na eh!
"Hey!are you sure,you wanna sleep there?" Ay abnormal?anong gusto niya doon ako sa lapag matulog?
"Mia," naging seryoso yung boses niya kaya napairap nalang ako.
Pake ko?
"Fine!dito ka na," hindi ako gumalaw sa kinadadapaan ko.
Manigas ka dyan,tol!
"Tulog ka na ba?" ewan ko, baka nga?pero baket naririnig ko parin siya?
"Hey!" sigaw muli niya,ako na mataas ang pride pero hindi ko talaga siya pinansin!
Hanggang sa nakatulog nako.
***"Reth,sweetie?" naalimpungatan ako sa narinig.
Pero teka,kelan pa naging Reth pangalan ko?
"Hmm," sino yung umungol?
"Sweetieee~ gising na." napamulat ang isang mata ko,bumungad saken si Lola Rio.
Akala ko ako yung ginigising pero nagkamali ako.
Katabi ko pala rito sa sofa si Reth Roces.
Magkabaliktaran kame,yung ulo ko nasa paanan niya habang,yung ulo naman niya nasa paanan ko rin.
"Gising na,tumila na ang ulan,kelangan nyo ng umuwe sweetie." naningkit ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...