❤Two❤

413 86 59
                                    

MIA


Gaya ng inaasahan,

Matapos umalis ni Sir Matt, dahil nagkabiglaan ng meeting, ayun.

"Wooooooh!"

"May bago na tayong classmates!"

"Tol! dito ka maupo dali!"

"Kuya kuya! may vacant rito oh!"

"Ang gwapo mo po!"

Napapikit nalang ako sa rindi, nakatakas nga ako sa nakakarindi kong ate, eto naman ang kapalit.

"Kyaaaaaah! ang gwapo gwapo talaga ni Eliot!" pakikisali pa ni Luxein na katabi ko lang, pero kung makasigaw akala mo ang layo layo niya.

"Tch wag ka ngang maingay, ingay na nga ng klase eh!" suway ko sa kanya, pero parang hindi nakakarinig ang linta, lalo pa fdw nilakasan yung pagtili?

Geh push mo yan.

Napatingin ako sa upuan nung president, ganon nalang ang pagkadisappoint ko ng makitang wala siya.

Kaya nabaling ang tingin ko dun sa katabi nung upuan niya, hindi yung vice president ang namataan ko.

Si Reth Roces na bago naming classmate.

Sandaling nagtama ang tingin namin, kaya sabay na napakunot ang noo namin.

Weird,

Nag iwasan nalang kami ng tingin, muli kong binalingan ang mga baliw kong classmates.

Napabuntong hininga ako.

"Ang ingaaaay," pabulong na sabi ko at tinignan si Luxein na kinikilig parin dun sa nagpapasikat na si Eliot na mukhang engot, joke gwapo naman kahit papano haha!

Isang malakas na buntong hininga ulet ang pinakawalan ko, bago tumayo.

"Guys tahimik!" sigaw ko dahilan para mapahinto ang lahat sa paglalaro, pag iingay, daldalan.

Sinamaan ko muna sila ng tingin, bago nagwalk out.

Kainis--hinahighblood ako ng mga to.

Oo nga pala, baka sabihin nyo nagpapansin at nagpabida lang ako doon ah.

Ako ang napagtripan nilang maging secretary--huhu!

*

Kakatapos lang naming mag break time ni Luxein ng mag pasama ako sa kanyang mag punta sa CR, kaso ang linta mas trip nakawan ng stolen shot yung Eliot Elvias na yon na nakatambay ngayon sa library, hindi para magbasa--dahil tanging yung kasama niya lang na si Reth Roces ang nagbabasa dun, habang siya tong lumalandi sa mga girls na nakatambay rin sa library.

Kaya heto mag isa akong nag lalakad papunta sa CR.

Salamat sa napakagaling kong kaibigan, pinaramdam ba naman saking maging mag isa?

At kung minamalas ka nga naman--

*SPLAAAASH!*

Nanlaki ang mga mata ko, at napatitig nalang sa lalakeng nakabuhos ng napakainit na kape saken.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon