❤Sixty Nine❤

131 17 3
                                    

MIA

"Class dismissed." sambit ng teacher namen sa AP.

Napatayo naman ang mga kaklase ko at nagpaunat unat.

"Gwabiiii!"

"Ekonomiks,ekonomiks."

"Yeah,tapos na rin."

Habang yung mga nerd naman--kinareer ang pagiging nerd nila,sige lang sa pagbabasa.

"Gawa na tayong assignment sa AP!ang dami grabeh." sambit ni Luxein habang inililigpit ang mga kalat sa desk niya.

"Tara,tara." Mabilis ko ring inayos ang mga gamit ko.

"Pwede sumama?" biglang sulpot ni Eliot sa tabi namen kasama si Reth Roces na nakatingin saken.

Tinitingin tingin na naman nyan?


Hindi ba siya nagsasawa sa kagandahan ko?

"Sige lang--haha!" payag agad ni Luxein,oh edi sila na.

Sila nalang magsama.

"Pwede?" tinaasan ko si Reth Roces ng kilay nang tanungin niya ako.

"Tch,diba pumayag na si Luxein?ba't magtatanong ka pa saken?" iritang sabi ko,napakalandi kase--makatitig wagas.

Hindi niya ba alam na kinikilig na naman ako?

"Eh ikaw yung gusto kong sumagot eh,ikaw yung nililigawan ko." banat niya bigla,narinig ko naman ang mahihinang hagikgikan ng mga malalantod kong kaklase,isama na naten si linta at ang boyfriend niyang linta.

Para akong nakikiliti sa leeg,puny*ta.

"Kikiligin na ba ako?" kunwareng walang interes na sabi ko.

Pero wag kayo,para na ngang tumatambling tong puso ko mula sa dibdib ko eh.

Kelan pa nagkaroon ng legs at kamay tong puso ko?

R.I.P sa hindi nakagets.

"Kelangan mo pa bang humingi ng permission?" itinaas ng nilalang na toh ang gilid ng labi niya.

Baaaaaah!mayabang mayabang *clap* *clap*

Busted-in ko na ba?

"Okay,sige." tinitigan ko siya ng nakangiti.

"Yieeeeeeeeee!kenekeleg eke." kinurot ko siya sa braso dahilan para mapadaing siya.

Mukhang napasobra,hehe.

"Alam mo bang may magic yang ngiti mo?" ngumiti siya saken dahilan para mas lalo akong napangiti.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon