❤Fourteen❤

192 28 42
                                    

MIA


30 minutes,

30 minutes nakong--este kameng nakatiwangwang rito,pero wala parin siya..

"Sino nga palang inaantay mo?" Sa tagal nameng nakasilong dito,ngayon ko lang natanong.

"Eliot," Tipid niyang sagot, kaya napatango nalang ako.

"Ikaw?" napatingin ako sa kanya.

"Ako?" Takang tanong ko.

"Sinong inaantay mo?" napabusangot nalang ako.

"Si Luxein!ang tagal tagal nga eh,sabi niya kanina on the way na daw siya." Irita kong sagot,nakakainis kase! kanina pa kame andito pero wala parin siya?asang lupalop na naman kaya yon nakarating?

*Vibrate*

Napatingin ako sa selpon kong dipindot,nang bigla itong nagvibrate.

"Tumatawag si Luxein!" Dali dali kong sinagot ang tawag at inilagay sa tenga ko.

[Bes!] napalayo ang tenga ko sa selpon kong dipindot ng isang sigaw agad ang binungad saken ni Lux.

"Kelangang sumigaw?" inis kong sabi habang hinihimas ang tenga ko,nag aalala lang ako baka nabasag na ear drums ko.

[Peace Bes!gusto ko lang sanang sabihin na Happy Birthday!] napairap ako sa ere.

"Salamat ah?salamat rin sa pagpapaantay saken dito ng matagal,nasan ka na ba?" may halong pag tatampong bulong ko.

Ang sama sama ng babaeng toh,birthday na birthday ko pinag antay ako.

[Uy Bes sorry na,hindi nga pala ako makakatuloy.]
Nanlaki ang mga mata ko.

"H-HANO?!" nagulat ung mga taong andito sa karinderyang sinisilungan namen,maliban lang kay Reth na nakatingin sa malayo.

[E-eh kase,] napanganga nalang ako.

"Ano?!may pasuspense pa kase eh!" Gigil na sabi ko.

[M-may pupuntahan pala kame ngayon ni mommy eh--hehehe." bumagsak ang balikat ko sa narinig.

"Ah ganon?sige." matamlay na pinatay ko nalang ang tawag at tumingala sa langit.

Ang lakas parin ng ulan.

"Tss,bye!" napatingin ako sa katabi kong kakapatay lang rin ng tawag.

Tumingin siya saken,atsaka ako tinaasan ng kilay.

"Baket kunot na kunot yang noo mo?hahaha!" napahagalpak ako ng tawa, ngayon ko lang kase nakita yung ganyan niyang emosyon--mukha siyang ewan hahaha!

"That fvcking as*hole, sumaket raw bigla yung mahangin niyang ulo." Iiling iling na tumingala rin siya sa pagbuhos ng malalaking patak ng ulan.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon