MIA
"Ready?"
Sabay naming inayos ni ate ang pagkakalagay namen sa isang sako.Kalahating katawan lang yung nakapasok sa sako ah?
Wag kayong mabaliw dyan.
"Get set.." nagkatinginan kame ni ate at nagtanguan.
"GOOOO!" at nagtatalon na nga kame na parang ewan.
'Family Day'
Dalawang salita na nagpapatunay sakeng--
Hindi porket wala kang mama at papa,tanging ate nalang ang kasama,hindi na matatawag na pamilya yon.
Maliiii!
Pamilya parin ang matatawag mo kung kamag anak mo siya,kahit nga hindi mo kamag anak,pwede mong ituring na pamilya eh.
Hindi lang nababase ang pamilya sa lukso ng dugo.
Nababase rin toh,sa ginhawang nararamdaman mo kapag kasama mo sila.
Ooooh!
Saan ko naman yon nakuha?
Ehem!
Oo nga pala,andito kame ngayon sa isang field.
Pinuno ng mga estudyante at magulang ang buong field.
Ngayon na nagaganap ang pinakakinasasabikan ko.
Alam nyo bang,unang beses palang toh?
Noong bata pa kase ako,lagi nalang busy si ate--hanggang ngayon naman busy rin siya pero may time naman na siya ngayon.
Masaya akong napasama ko siya rito.
"Our winner is..Family Mercader!" eh?KAME ANG PANALO?
"Wews,hahaha!" nag apir nalang kame ni ate at nagpunta sa mga booth ng pagkain.
Nakakagutom!
"Anong gusto mong pagkain?" tanong niya habang nagkalkal sa wallet niya.
Taraaaay,richkid ngayon si ate ko!
"Kahit anong pagkain ate, basta walang lason." inipitan ko ng pa-pony tale ang buhok ko.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong batukan.
"Ara--ouch!" daing ko, potek!napahimas ako ng batok.
"Saket nun ah!" bumusangot ako.
"Eh sa wala ka ng matinong masabe eh!ayus- ayusin mo nga yang pakikipag usap mo saken, napakanonsense." At talagang inirapan pa ako.
Napaaakaaaaa!
"Hoy ate!baka nakakalimutan mo,section one tong kausap--" Sabay kameng napatigil nang may humarang sa harapan namen.
"Hi kiddos!kamusta?" tanong ni Tito Lux.
Nasa harapan lang naman namen ngayon ang pamilya Gonzales.
"Oy Bes,mamaya libre mo ko ah?" inirapan ko lang si Luxein,ulots!
"Since magla-lunch na rin naman kame,ba't hindi nalang tayo magsama sama?" ngumiti si Tita Rein samen at inilahad ang kamay.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Fiksi RemajaNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...