❤Forty Three❤

153 25 2
                                    

Dedicated to: genesdavebluesky thankyou sa pagiging excited hahaha charot,thanks for reading!

MIA

"Class dismissed." para akong si 'The Flash' na mabilis na tumayo sa pagkakaupo,sabay ayos ng mga gamit sa desk.

Matapos mag ayos,tinignan ko si Lux na nasa tabi ko.

"Nagmamadali Bes?" tanong niya,kaya napairap ako.

"Oo!mamaya mayaya na naman ako ng mga abnormal nateng kaklase, yari ako kay ate." isinukbit ko na ang bag ko sa balikat ko,atsaka siya dinuro.

"Hoy linta," napanguso siya dahil sa pagtawag ko sa kanya ng ganon.

Hahaha!

"Tandaan,tao ka,hindi ka linta okay?wag haharot sa mga playboy dyan." tinignan ko naman yung lalakeng--as usual.

Nakatitig na naman sa kaibigan ko.

Malandi talaga,

"Okay po,Sexytary." tumango tango siya ng parang baliw.

"Una nako?" paalam ko.

"Sigeee~ gagala pa kame eh." tinaasan ko siya ng kilay.

"Kame?sinong kasama mo?" tanong ko.

"Edi,sina Adri!masyado ng OA Bes." umikot ang mga mata nito kaya napa'tch' nalang ako.

"Sige na,aalis nako!" kumaway nalang siya,sabay harap sa mga kaklase namen para makipagdaldalan.

Inayos ko ang strap ng bag ko sa balikat ko,habang nagpipindot sa phone na bigay ni Reth Roces kung naaalala nyo pa.

Kung hindi nyo naman naalala,baaah!nagkaamnesia kayo kung ganon!

Palabas nako ng gate,nang bigla nalang may sumulpot sa tabi ko.

Para namang na-ground ang buong pagkatao ko ng dumikit ang siko niya sa braso ko.

"Hey,ba't hindi mo ko hinintay?" nagpamulsa siya at tumingin saken,kaya nakaramdam ako ng ilang.

Teka,

Baket naman ako maiilang?

"Problem?" kunot noong tanong niya,umiwas naman ako ng tingin.

Ayoko siyang makausap.

Alam nyo kung baket?

Hindi ko rin alam.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon