MIA
"Is it true?" Maya maya'y tanong niya habang sabay kameng tahimik na naglalakad.Wala eh,ganon talaga ako karupok,ganon lang niya ako kadaling napapayag,joke.
"Ang alin?" inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa balikat ko.
"You like me?" kaswal na tanong niya.
Napalunok naman ako at hindi nakasagot.
Kelangan tanungin ulet?
Inulit?
"Okay,okay,kung awkward toh para sayo it's fine,a lot of girls confessed to me, kaya sanay nako dyan." kibit balikat na sabi niya.
Napakagat naman ako ng labi sa sobrang gigil.
Ang hangin hangin niya!
Napakahangin!
"Ang kapal ng mukha mo! hindi naman ako katulad ng mga babae dyan na kapag may gusto sayo, habol ng habol!excuse me?!ikaw kaya habol ng habol saken!" maangas na sabi ko pa,akala mo ah!
"Tss," umikot ang mga mata niya.
"Gusto mo dukutin ko yan?" ngising tanong ko.
"A-anong dukutin?" hindi makapaniwalang tanong niya.
Nabatukan ko tuloy ng wala sa oras.
"Yang eyeballs mo,napaka dumi ng utak mo!" inis na sabi ko,bastos na bata!
"What?wala naman akong sinasabing kung ano ah, ikaw lang tong green." tumaas ang kilay ko atsaka tinignan siya ng masama.
"Nakakaturn off ka,alam mo ba yon?" diretsong sabi ko,napalaki naman ang mga mata niya,na para bang gulat na gulat sa sinabi ko
"W-why?" Tanong niya.
"Ang pervert mo eh,hindi ka maginoo." iiling iling na sabi ko.
"Gusto mo naman." baaaaah!at talagang ginagamit niya yung 'gusto ko siya' para ipang asar saken ah!
Eh kung sabihin ko kayang joke lang yon?
"Napapansin ko lang.." tumitig siya saken ng kunot noo,inaantay ang sasabihin ko.
"Minsan ka nalang mag tagalog ah?" sambit ko.
"That's what you want eh." napangiti ako.
Ang cute cute talaga ng lalakeng toh pag nagtatagalog.
"Why are you smiling?" bumusangot ako.
"Ay,nag eenglish ka na naman." disappointed na sabi ko.
Ako lang ba?ako lang ba yung section one na hindi trip yung salitang English?
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Novela JuvenilNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...