❤Forty Nine❤

127 21 4
                                    

MIA


Naranasan nyo na bang mainlove?

Mainlove sa taong hindi ka naman gusto?


Umasa sa taong alam mo namang wala ka ng pag asa?

Sa lalakeng pinaparamdam sayong espesyal ka,pero iba ang lumalabas na salita sa bibig niya.

Sa taong akala mo ikaw ang gusto,pero iba naman pala?

Kung oo,

I feel you beh.

Joke!

Masyado kase kayong seryoso dyan,eh hindi naman kayo yung nahurt.

Ako yon eh!

Ako yung nasaktan!

Ako yung umasa!

Ako yung nag expect!

Pero kayo yung nag assume.

Tama,right?

Oh edi,nasaktan rin kayo?

"Morning," pigil hiningang nilagpasan ko ang lalakeng nakasandal ngayon rito sa may gate namen.

Hindi ko siya pinansin.

Araw araw,

Araw araw kong pinipigilan siyang pansinin kase ayoko na.

Ayoko ng ituloy tong feelings feelings na toh.

Ayoko ng patunayan sa sarili ko ang totoo.

Ayokong masaktan.

Gusto kong habang maaga pa,pumasok na sa kokote ko na--

Wala ng pag asa.

Waaaaht?

Baket ang drama ko ngayon?

"Mia," napahinto ako sa paghakbang nang tawagin niya ako.

Baket kaya sa isang tawag lang niyang yon,para nakong nanghihina.

Ganon na ba talaga kalakas ang epekto niya saken?

Na kahit maliit na bagay na ginagawa niya,napakalaking impact saken?

Baket ba kelangang mangyare toh?

Baket ako nahulog sa kanya?

"Bye," kumaway nalang ako at pumara ng jeep.

Sa mga nagdaang araw,lagi nakong sumasakay ng jeep.

Wala lang,ayaw ko lang talagang maglakad rito dahil alam ko namang makakasabay ko parin siya kahit gano pa ako kalate pumasok.

"You know what?in just a simple 'bye',can make me cry." sambit niya bago ako tuluyang nakasakay ng jeep.

Nang makatapat sa school ay agad nakong pumara at bumaba.

Bumalik sa isip ko ang sinabi niya.

'You know what?in just a simple 'bye' can make me cry.'

B-baket ko naman magagawang paiyakin siya sa simpleng 'bye' lang?

Teka,ba't ba nakokonsensya ako?


"Sexytary!" natauhan lang ako nang may biglang tumawag saken.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon