❤Forty Eight❤

123 23 9
                                    

MIA

"A-anong ibig sabihin nito?!" gulat na sabi ko,nang bumungad saken si Luxein at Eliot na magkaakbay habang nakasandal sa isang magarang kotse.

Pareho naman silang nagulat dahil sa sigaw ko.

"B-bes," si Luxein agad ang unang nakareact kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Let me explain,hehe." Mas lalong tumaas ang kilay ko.

Meron na ba?

Meron na bang namamagitan sa kanila?

"Uhm," tumingin siya saken sabay ngiti ng pilit.

Ay wow,ayan na ba yung tinatawag na explain?

"They're together." napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko.

"Baket mo sinabi?!" sabay na sigaw ni Lux at Eliot.

Napalayo tuloy ako agad.

Gwabi!

Nanggugulat mga bes?

Pero teka,

"Together?" tinignan ko si Eliot na nakangisi na saken.

Oh diba,

Hindi mapagkakatiwalaan!

"Oo binibini,kame na nga." napangiwi ako nang muli na naman niyang akbayan ang kaibigan ko.

WAAAAHT?

"Pero,teka pano?baket? saan nagsimula?" nalilito kong tanong.

"Interested in their lovestory?" hirit na naman ni Reth Roces kaya inirapan ko nalang siya.

Hindi ko siya kausap!

"Ganto kase yon--" mag uumpisa palang sana sa pag s-story telling si Luxein nang hilahin nako ni Reth papunta sa kotse niyang sinasandalan ng dalawa kanina.

"Hoy,ano ba!" reklamo ko, nasasanay siyang basta basta nalang akong hinahawakan ah!

Nag-ground nga ako,hanuba!

"What,ang arte mo na ah?" napabusangot ako.

Baket,bawal ba mag inarte?

Puny*ta siya.

"Are you mad?ano na namang ginawa ko?" kunot na kunot ang noong sabi niya.

Eh?

Baket mukha siyang affected?

"Hinde!ba't naman ako magagalit?" inis na sabi ko.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon