MIA
Valentine's day.
Kung dati wala lang toh para saken.
Hindi isang okasyon.
Walang pinagkaiba sa mga araw na nagdaan.
Ngayon?
Para saken,may silbi na toh.
Itinuturing ko na tong araw ng mga puso.
Hindi ko alam pero--
Sa tuwing naalala kong February 14 ngayon.
Naiimagine ko si Reth Roces.
Naiimagine kong kasama ko siya ngayong araw ng mga puso.
Naiimagine kong nagdedate kame ngayon habang makapaligid ang sandamakmak na kandila at mga bulaklak samen.
Naiimagine ko kung pano siyang tumitig saken habang nakangiti,isama na naten yung bumabanat siya.
Kahit na minsan korni,hindi ko parin maiwasang kiligin.
Sino ba namang hindi kikiligin,sa isang Reth Roces na kilalang cold heartless guys,nagawang magpick up lines para lang mapatawa ako?
Watapak lang men.
"Oh,ano Bes?nasan na ang manliligaw mo?" inip na tanong ni Luxein na kasama ko ngayon rito sa cafe.
Oo,nasa cafe kame ngayon inaantay si Reth Roces.
Nagtext siyang magkita kame rito 7:30 ng umaga.
Nakakapagtaka lang na..
8:30 na,
Hindi nalelate yon kapag sinasabi niyang magkita kame sa ganyan o ganto.
Pero baket ngayon?
Para akong ewan na hindi mapakali sa kalakad lakad.
Baket ang tagal niya?
Kinakabahan na tuloy ako.
Pano kung may nangyare na pala sa kanya?
Mabilis kong dinukot sa bulsa ko ang phone ko at dinial ang number niya.
Pero kahit ilang beses ko na itong tawagan,laging--
'The number you have dial is out of coverage,please try again later.'
Puny*ta!
Baket hindi niya sinasagot?
Nag aalala nako.
Nang super duper.
"Bes?" hindi ko pinagtuonan ng pansin si Lux.
Kelangang sagutin ni Reth Roces ang tawag ko.
Kung hindi..
"Puny*mas!ba-bustedin talaga kita,kapag hindi mo toh sinagot." gigil na bulong ko at muli na naman itong tinawagan.
Ganon nalang ang pagbagsak ng balikat ko nang muli na namang nagsalita si 'The number you have dial is out of coverage,please try again later.'
Putspa!anong later!?
Later,later!eh kanina pa yang later na yan!
"Bes,kumalma ka!masyado ka ng nagpapanic." natauhan lang ako nang hawakan ako ni Luxein sa magkabilang balikat.
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...