MIA
Nakabusangot na naglakad ako rito sa kalsada.
Pano ba naman,
Hindi pumayag si ate ko.
Hindi ko na siya nakumbinsi pa,nang makaalis na sila Tita.
"Di ka pinayagan?" hindi nako nagulat sa biglaang pagsulpot ng robot na toh sa tabi ko.
Eh lagi namang sumusulpot yan kapag naglalakad ako rito eh.
Feeling ko nga,inaantay niya talaga akong makadaan rito para sabayan eh.
Matatawag mo pa bang coincidence yon kung araw araw ko siyang nakakasabay rito?
"Why can't you speak?" hindi ko siya pinansin,wala ako sa mood.
"Are you deaf--bingi ka ba? kinakausap kita,diba?" umirap lang ako at nagcross arm.
"Hey you," hindi ako sumagot.
Ano bang dapat kong sagutin?
Hey you rin!ganon?
"Kapag hindi ka nagsalita, hahalikan kita." baket kaya laging ganyan ang sinasabi niya kapag binabantaan niya ako--ano raw?
'Kapag hindi ka nagsalita, hahalikan kita.'
'Kapag hindi ka nagsalita, hahalikan kita'
Kapag hindi ka nagsalita, hahalikan kita'
Pwede bang hindi nalang ako magsalita--aishhhh!
"Ano ba kaseng tinatanong mo?wala nga,hindi pumayag si ate ko,ayaw niya,hindi raw siya papayag,bawal raw ako sumali,wala raw siyang pera." tuloy tuloy na sabi ko,ayoko ng mamanyak noh.
"Tss," tinignan ko siya,nang mapansing nakatingin siya saken habang nakataas ang gilid ng labi.
"Satisfied?" seryosong tanong ko,eh sa wala talaga ako sa mood eh!
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
Teen FictionNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...