Dedicated to: @cjaeolarte08 yieeeee!request mo--chapter 11 muna bukas na chapter 12 still typing palang eh,hehe!thanks sa pagbabasaaaa~MIA
"MIYANGGGGG!!HINDI KA PA BABANGON DYAN?!!" napabangon agad ako dahil sa boses ng ate ko..
*BLAAAAG!!*
"Araykupu!!" napahimas ako ng ulo ng mauntog ako sa maliit naming mesa..
Hindi ko napansing nasa ilalim na pala ako ng mesa..
Huhu..#medyo masaket..
"MASAKET?!!TARA DITO NG MAHAMPAS KITA NG SANDOK PARA MAS LALONG SUMAKET!!" napangiwi ako kay ate na nakapamewang na naman sa harapan ko habang hawak sa kanang kamay ang kanyang mahiwagang sandok..
"Ate naman..kelangan sumigaw?..jusko--pagod na pagod na tong tenga ko sa kakarinig sa sermon mo ate ano ba.." nakita ko kung panong tumalim yung tingin niya saken..
WAAAAAAAAAHT?
IS DIS DA END OP MAY LAYP?
"Syempre chos lang yon ateee~ ang ganda ganda nga ng boses mo kapag sinesermonan ako eh!! Yieeeeeee sarap sa ears.." pang uuto ko pa pero mukhang walang epek kay ate yun kase bigla siyang umamba ng hampas saken..
"Waaaaaaah!!mama--ay wala pala akong mama!! Papa--ngek wala rin!!ate koooooooo--ay siya na nga pala humahabol saken!! aaaaaaaaah!!AYOKO NG MAHAMPAS NG SANDOK!!"
nang makarating sa CR dali dali akong pumasok doon at sinara ang pinto.."IKAW AH!!SASAGOT SAGOT KA PA?!!" hehehe.. peace nalang sayo ate..diba nga may kasabihan na 'manermon ka na sa lasing--wag lang ang bagong gising..'
***
Tarantang isinuot ko ang sapatos ko habang sinusuklay naman ng isang kamay ko ang buhok ko..
"Bye na ate!!" iniwan ko siyang nagdadaldal na naman..
Balakajan--joke..
Inayos ko ang pagkakastrip ng bag ko sa balikat ko at agad nagpatuloy sa pagtakbo dahil lateeee na naman ako..
*BEEEEEEEEP!!*
"Waaaaaaaaaah!!" nagulat ako ng isang lalake ang humatak saken papuntasa gilid..
Napahawak siya sa balakang ko habang napahawak naman ako sa braso niya..
Napatameme ako ng marealize kung sinong lalake ang sumagip sa buhay ko..
Reth Roces..
"Ikaw na naman?.." sabay na nasabi namin at agad nag hiwalay..
"Tss.." umikot ang mga mata nito kaya napairap nalang rin ako..
Tuluyan nakong napatakbo para magpatuloy ng bigla nalang--
"Hoooy g*go!!lumabas ka dyan!!wag mo kong pag taguan!!" sigaw ng isang lalakeng nasa mismong harap ko na..napatingala siya sa bahay na nasa harap ko lang rin..
Halos manigas ako sa takot ng makita ang hawak niya..
Itak mga Bes..itak..
At mukha pa siyang lasing..
"H*yop ka!!kaya pala tuwing gabi nawawala yung misis ko sa tabi ko!! Dito pala nagpupunta!!hoy lumabas ka dyan kung ayaw mong ako mismo ang pumasok dyan!!" gigil na gigil si koya habang naka duro ang itak sa gate..
Napaatras naman ako..
Sa hindi malamang dahilan biglang lumingon saken yung lalake..
"Hello Miss..mukhang mag isa ka lang ah?.." nanlaki ang mga mata ko..
Luuuh..ako talaga nakita nito?..
"Miss tara.." tawag niya na agad ko namang inilingan..
Balak ko na sanang tumakbo ng itutok niya saken yung hawak niyang itak..
ASDFGHJKL..
IS DIS DA END NA TALAGA NG AKING LAYP?..
"Such a clumsy girl.." bigla nalang may umakbay saken habang nagsasalita siya..
Nakita kong napangisi si koyang lasenggo saken..
"Ay taken na..sayang.." muli siyang bumaling sa gate at itinutok don ang itak..
"Put*ngina!!hindi ka talaga lalabas dyan?!!" napapikit nalang ako sa takot ng ipukpok niya yung hawak niyang itak dun sa gate..
Kawawa yung gate..
"Tara.." hinila nako ni Reth paalis don kaya nakahinga nako ng maluwag..
Dalawang beses..
Dalawang beses ng nanganib yung buhay ko..
"S-salamat.." nahihiyang sabi ko..hindi ko talaga inexpect na tutulungan niya ako huhu..
"Tss.." nagpamulsa siya at nauna ng maglakad..
Pinanood ko naman kung pano siyang naglakad palayo saken..
"Alam mo kase binibini..hindi kase biro lahat ng bagay.. atsaka seryoso talaga yan si bro--lalo na kapag babae ang usapan.."
Nakakamanghang may ganto palang uri ng lalake sa mundo..
Yung handang isuko ang relasyon nila maging masaya lang ang mga magulang nila..
Ganon na ba talaga kahard yung mga parents nila para pahirapan sila ng ganto?..
"Hey!you really want to die,there?.." bigla siyang lumingon saken kaya natauhan ako..
Tatakbo na sana ako pasunod sa kanya ng bigla siyang ngumuso sa likod ko..
Paglingon ko nakita ko si koyang may itak na tumatakbo palapit samin..
"Waaaaaaah!!" napasigaw ako at agad napatakbo papunta sa kanya..ng makalapit nako sa kanya ako pa mismo ang humila sa kanya para tumakbo..
![](https://img.wattpad.com/cover/164648417-288-k27359.jpg)
BINABASA MO ANG
Ang Ating Kwento
JugendliteraturNag umpisa ang lahat sa classroom. Kung saan unang nagkakilala sila Mia Mercader at Reth Roces. Unang pagkikita palang nila ay naramdaman na agad nila ang 'Love At First Sight' kuno. Reth is cold as an ice, pero nabago lang iyon simula nung nakilala...