❤Ten❤

197 33 15
                                    


Hellooooo~ I'm back haha!
Dedicated to: XandraFuentabella014 yieeee thank you for reading my story!

MIA

"Ano nga palang ginagawa nyo rito?.." curious na tanong ni Eliot na siyang feeling close sa aming apat..

Teka..

Baket niya pala kame kinakausap ngayon?..

Anong nakain?..


"Bumibili ng books.." ako na mismo ang sumagot dahil mukhang walang balak tong kaibigan ko na sumagot.. wala tinamaan na tulaley..


Tumango tango naman si Eliot sabay lingon kay Reth na nakatitig lang sa kawalan..

"Siya naman..nagpasama lang saken dito--may bibilhin daw.." kumamot ng ulo si Eliot ng itaas ko ang hinliliit ko at hinlalaki sa daliri..


"Share mo.." sambit ko na nagpapalit sa ekspresyon ng mukha niya..


"Woah.." manghang tinignan niya ako sabay lipat ng tingin kay Luxein na nakatitig lang rin sa kanya..

"Hep!!hep!!baket nga pala kayo andito?.." hinarang ko ang dalawang kamay ko sa pagitan nila..


"Kakasabi ko lang--" sinamaan ko siya ng tingin..

"At baket ganyan ka makatitig sa kaibigan ko?.." taas kilay na tanong ko..ngumisi naman ito na para bang natutuwa siya sa naging reaksyon ko..

Tumingin siya kay Luxein sabay kindat dahilan para manlaki ang mga mata ko..

"Hoy!!landiin mo na lahat wag lang kaibigan ko!!" napatawa silang dalawa ni Luxein kaya naman napairap ako..

Anong nakakatawa?..

"Kasalanan ko bang isinilang akong gwapo?.." woaaaaaaaaah!!may dumaan bang amihan?..bigla kaseng lumakas yung hangin eh..

"Oo nga naman Bes!!gwapo naman talaga siya..diba?.." sabat ni Luxein..

"Oh diba?..kaibigan mo na mismo nagsabi!!" proud na sabi pa niya saken..pinalaki naman ulo nito..

Umiling iling nalang ako at muling bumaling kay Reth na tahimik--na palagi namang ginagawa niya..ang pagtahimik..

Galit ba talaga siya saken?..

Kapag talaga ganto hindi ako mapakali eh..

Lalo na kapag may nagagalit saken sa hindi ko malaman na dahilan..

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon