❤Eighty Four❤

97 11 21
                                    


Dedicated to: @JongCoke ❤❤❤

MIA

"Miss me?" napatameme ako at halos hindi makapag salita.


Wahhhht?


Ang kapal rin talaga ng mukha ng lalakeng toh eh noh.


Gusto ko siyang lapitan at yakap--batukan ng sobrang lakas!yung tipong lulubog na siya sa mismong sahig na kinatatayuan niya.


Miss me? Miss me? Eh kung sipain ko kaya ang kahinaan niya?

Pero dahan dahan ring nawala ang inis na nararamdaman ko,nang mapansin ang kalagayan niya ngayon.

Kung dati ang super duper mega bonggang gwapo niya na,ngayon ang--


Gwapo parin naman hehe.


Napansin ko nga lang,kung panong lubog na lubog ang mga mata niya dahil sa naglulusugang eyebags niya.


Lagi ba siyang puyat?


Kung panong mas lalong gumulo yung buhok niya na para bang hindi na siya nagsusuklay pa.

Lagi ba niyang nakakalimutan?


Kung panong gusot gusot ang may mga mantsa niyang uniporme.

Anyare dyan? Sa dami ng katulong nila,hindi manlang niya yon pinalabhan?


At higit sa lahat..


Yung ngiti niya,


Alam kong hindi yon totoo.


Yung ngiting kung dati nagpapakilig saken,ngayon nagbigay ng lungkot sa pakiramdam.


Sobrang gulo na niya ngayon.


Hindi ko alam kung baket siya nagkakaganto, samantalang siya naman ang nanloko.


Pero isa lang ang ngayon ang pumasok sa isip ko.


Si Reth Roces,


Baket siya nagkaganto?


"I miss you so much,my love." parang kinuryente ang buong pagkatao ko dahil sa narinig.

Andito parin ako sa kinauupuan ko.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon