❤Fifteen❤

186 27 29
                                    

Dedicated: ligach thankyou po sa pagbabasa ng story ko haha!

MIA

"Oy Luxein!malayo pa ba tayo?" iritang tanong ko kay Luxein,na nagmamaneho ng kotse niya--oo meron na siyang kotse at may lisensiya na rin siya,pano kaya nangyare yon noh?hindi rin alam ni otor eh.

"Bessss~ wag masyadong maexcite haha!" sambit niya kaya napatch!nalang ako.

"Hoy ikaw ah!napapansin ko kayo nung Eliot na yon na nagtititigan ah?anong ibig sabihin non?!ha?!" napalingon naman siya saken,saglet na napangisi.

"Parang timang." bulong ko sa sarili.

"A-ano ka ba naman Bes. Walang ibig sabihin yon! baliw~" sinamaan ko siya ng tingin,at dinuro.

"Talagang wala dapat ibig sabihin yon!kundi FO na tayo!" dugtong ko,na nag papreno sa kanya.

"WHAT?!" Sabi niya atsaka ako tinignan ng kunot noo.

"Joke lang hindi ka na mabiro!pero bes--baka nakakalimutan mo, malandi yon ah?malandi." Diing sabi ko,sinagot niya naman ako ng pagtango at nagpatuloy na sa pagdrive.

Sabagay,parehas naman silang malandi.

"Andito na tayo!" pumalakpak muna siya ng parang t*nga bago bumaba ng kotse,kaya bumaba na rin ako.

"Asang lupalop ba tayo nakarating--" napahinto ako ng pagbaba ko,isang napaka laking mansion ang bumungad saken.

Naglakad si Luxein patungo doon,binuksan ang malaking gate.

"Kelangan ako talaga ang magbubukas nito,dahil wala talagang magbubukas nito sa loob." sambit niya at tuluyan ng binuksan ang gate,tinulungan ko naman siya.

"Wala kayong katulong?" Tanong ko,na sinagot niya lang ng mahinang pagtawa.

"Hay naku,minsan ko ng sinuggest yan kina mom, kaso ang sabi ni dad--wag daw tayo masyadong mag tiwala sa mga ganyan. Daming kabaliwan yon eh hahaha!" napatawa nalang rin ako.

Mabait siguro daddy nito,

"Andyan sila ngayon?" excited kong tanong.

Ang Ating KwentoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon