Humahangos si Rain na pumasok sa loob ng hospital, halos ilipad siya ng kanyang mga paa mula sa kalsada pagbaba niya ng jeep, hanggang sa pagpasok niya ng public hospital, tinakbo na niya ang papunta sa emergency room, halos maubusan na siya ng hininga, dahil sa pagod at bigat ng dibdib na kanyang nadarama.
Nang matanggap niya ang tawag mula sa kanyang mama, habang nasa trabaho siya, ay nag madali na siyang umalis ng bangkong pinagtatrabahuan niya. Ni hindi na niya nagawang magpaalam sa kanilang bank branch manager, sa kanyang biglaang pag-uwi, basta na lang niyang dinampot ang kanyang bag at tumakbo palabas ng kanyang cubicle at sumigaw na lang siya ng "may emergency!" sa mga kasamahan niya habang mabilis siyang lumabas ng building.
Nadatnan niya ang kanyang mama na nakatayo sa labas ng swivel doors sa taas nito nakasulat sa kulay pulang letra ang EMERGENCY ROOM.
Tumakbo siya papalapit sa kanyang mama, "ma ano pong nangyari?" ang tanong agad ni Rain na naghahabol ng kanyang hininga, sa inang umaagos ang luha sa mga mata.Suminghot muna ang kanyang mama, "si Faith, nabangga ng motorsiklo, habang papatawid" ang sagot ng kanyang mama na si Siony.
"Diyos ko", bulong ni Rain, "eh anong nangyari sa nakabangga sa kanya?" ang tanong muli ni Rain.
"Inihatid naman siya rito sa hospital, siya rin ang tumawag ng ambulansiya" ang sagot ni Siony, "malapit na sa bahay natin nang mabangga siya, pero ang sabi ng mga saksi na binusinahan daw muna si Faith ng driver, huminto pa nga daw si Faith, pero ng makita nitong papalapit na ang motorsiklo, ay saka ito tumawid, parang sinadya raw nito na mabangga talaga siya" ang lumuluhang kwento ni Siony kay Rain.
Napaupo si Rain sa upuan sa labas ng Emergency room, napahawak ang kanyang nanginginig na kanan na kamay sa kanyang bibig.
No, hindi ito totoo, ang sabi niya sa sarili. Bakit ito gagawin ni Faith? Bakit niya sasadyain na magpasagasa sa isang humaharurot na motorsiklo? Ang naguguluhan niyang tanong sa sarili.Nang bigla niyang maalala ang dahilan ng pag-alis nito kanina. Naalala ni Rain ang huling pag-uusap at pagtatalo nila ng kapatid kaninang umaga bago siya pumasok sa opisina.
"Saan ka pupunta?" ang takang tanong niya kay Faith nang mapansin niyang nakapang alis ito na damit at may dalang shoulder bag, "hindi ba kapapacheck-up mo lang?" ang sunod niyang tanong pero ni isa sa tinanong niya ay di sinagot ng mas nakababatang kapatid.
"Faith ano ba? Kanina pa ako nagtatanong sa'yo saan ba ang lakad mo?" ang galit ng tanong ni Rain at hinawakan niya ang kapatid sa balikat nito para tingnan ito sa mga mata.
"May pupuntahan lang ako na kaibigan" ang simpleng sagot nito sa kanya.
"Kaibigan? Sinong Kaibigan?" ang muling tanong ni Rain.
"Bakit ka ba kasi tanong ng tanong Rain?" ang inis na sagot sa kanya ni Faith, di siya nito tinatawag na ate dahil sa isang taon na pagitan ng edad nila.
"Natural, para malaman ko kung saan ka pupunta" ang galit na sagot ni Rain sa kapatid, na napaka iresponsable.
"Kung makapag interrogate ka daig mo pa si mama" ang inis na sagot nito sa kanya, sabay hawi nito ng kanyang mga kamay na nakahawak sa mga balikat nito.
"Mas matanda ako sa iyo kaya may karapatan akong magtanong kung saan ang lakad mo, marami nang inasikaso si mama, saka kabuwanan mo na pa gala-gala ka pa, paano kung abutan ka ng panganganak kung saan na lang?" ang sagot ni Rain.
"Kaya nga may cellphone, para makontak ko kayo" ang pilosopong sagot ni Faith kay Rain, at umismid pa ito sa kanya.
Rain checked her temper, ayaw niyang kagalitan ang kapatid, pero napakatigas ng ulo nito, mula pa noon ay di ito nakikinig sa mga sinasabi nila at sinusunod lagi kung anong gusto,kahit na ikapapahamak nito.
Napabuntong hininga na lang si Rain, di na niya kaya pang patagalin ang pakikipagtalo sa kapatid at kailangan na rin niyang umalis para pumasok sa bangko, bilang isang teller."Tatawagan kita, every thirty minutes, at huwag kang mag pagabi Faith, please lang, huwag mong pag alalahanin si mama" ang bilin ni Rain sa kapatid.
"Oo na sige na" ang tanging sagot nito sa kanya, na may tono pa ng pagkainis.
At iyun ang huling, mga salitang narinig niya sa kapatid. Napabuntong hininga si Rain, at di niya namalayan na may luha na palang pumatak sa kanyang mga mata. Katabi na niya sa upuan ang kanyang mama, at taimtim na naghintay sila sa labas ng emergency room.
Maya - maya pa ay may lumapit sa kanila na pulis kasama ang lalaking nakamotor, tumayo si Rain at nakipag kamay sa pulis."Ma'am siya po ang lalaking nakabangga sa kapatid ninyo, maari po na kayong sumama sandali sa presinto para mailog po natin ang nangyari at makapagsampa po kayo ng kaukulang reklamo.
"Ma'am kung maari po sana huwag nyo na po akong kasuhan, makikipagtulungan po ako sa inyo, hindi ko po talaga sinasadya ang pagkabangga sa kapatid ninyo" ang pagmamakaawa ng lalaki kay Rain.
"Pwede naman po nating reviewhin ang cctv ng baranggay para sa ebidensya, kaya maganda pong sumamana kayo sa amin ngayon ma'am" ang muling sabi ng pulis kay Rain.
"Sige na anak, ako na muna ang magbabantay rito" ang sabi kay Rain ng kanyang mama.
"Sige po mama, nag text na po si Bryan sa akin at susunod na daw siya rito, hintayin nyo na lang muna siya" ang sabi ni Rain sa kanyang mama. Bago siya, umalis ng hospital kasama ang pulis at ang lalaking nakabangga sa kapatid.
At tulad nga ng sinabi ng mga saksi, nakita ni Rain sa cctv video, ang nangyari. Papatawid na nga si Faith, mula sa malayo ay nagmenor pa ang motor, huminto si Faith, at sabi nga sa kanya ng driver, inakala niyang di naman tatawid ang kapatid at maghihintay lang ng sasakyan, kaya pinatakbo nitong muli ang kanyang motor at saktong biglang tumawid si Faith ng makitang papalapit na ang motorsiklo.
Halos manlambot si Rain sa nakita, namutla siya at agad siyang pinaupo ng pulis sa loob ng Station. Binigyan pa siya ng bottled water para inumin.
Diyos ko Faith, bakit mo ito ginawa? Ang naluluhang tanong ni Rain sa sarili.At dahil sa alam naman ni Rain na walang kasalanan ang lalaki ay Di na siya nagsampa pa ng kaso, pero nangako pa rin ito na tutulong sa gastusin ni Faith sa hospital, nag-iwan ito ng contact number kay Rain at pumirma sa log book ng pulisya.
Maya-maya pa ay nakatanggap ng text si Rain mula sa mama, pinababalik na siya nito sa hospital at pinagmamadali siya.Agad na nagpaalam si Rain at sinabi niyang kailangan na niyang makabalik ng hospital.
Pagdating niya sa hospital ay naroon na rin ang kanyang nobyo na si Bryan. Yakap nito ang kanyang mama, na kitang kita ni Rain na humahagulhol sa pag - iyak.
Kinabahan na si Rain, "no please Lord, please" ang sambit ni Rain habang naglalakad papalapit sa kanyang ina at boyfriend,"please huwag nyo pong hayaang may mangyari masama kay Faith at sa baby nito" ang sambit na panalangin ni Rain."Ma?", ang tanging nasabi ni Rain sa ina, habang malakas na kumakabog ang kanyang puso sa kanyang dibdib.
Humarap ang kanyang mama sa kanya, basang basa ang mukha nito ng luha. Umiling - iling ito sa kanya."Wala na si Faith" ang sagot ng kanyang ina.
Parang sinakluban si Rain ng langit at lupa.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Wife [Completed] Published © Cacai1981
Romance(for mature readers only! 18+) "Let's get married" ang biglang suhestiyon ni Deven. Nanlaki ang mga mata ni Rain, di siya makapaniwala sa sinabi ng kaharap. "What are you talking about?" ang takang tanong ni Rain. "It's a win-win situation for us...