Chapter 1

21.2K 222 7
                                    

"Maaaaa!" Ang aking sigaw mula sa pinto ng aking kwarto upang marinig ng aking ina na kasalukuyang nagluluto ng paninda sa kusina na syang ilalako nito mamaya sa palengke.

"Huwag kang sumigaw bata ka!" Hirit ni mama pagalit sabay bagsak ng sandok. Dahilan naman upang ako ay magulat sa ingay na hatid nito.

"Diyos ko kang bata ka ikaw talaga ang papatay sa akin!" Patuloy na pagsesermon ni mama na ngayon ay nasa harap ko na.

Muntik naman akong matawa sa hitsura nito.

Si Mama at Papa lamang ang tanging mayroon ako sa buhay. Kahit man mahirap kami ay naitataguyod nila Mama at Papa ang pangangailangan namin sa araw araw.

Si Papa ay isang electrician sa aming munting baryo sa Timog at si Mama ay naglalako ng mga meryenda sa may Palengke sa Bayan.

Ako ay nagdadalawang isip. Hindi ko kasi alam kung papaano ko sasabihin sakanila na nakapasa ang kanilang nag iisang anak sa isang mataas na unibersidad sa Maynila. Tiyak na matutuwa si Papa at hindi magdadalawang isip na ako ay ipadala sa eskwelahang ito.

Ngunit ang aking ina ay tiyak na tutol sapagkat parati nya sinasabi kay Papa nung minsang binigyan ang aking ama ng raket sa Maynila,  na wala raw mabuting maidudulot kay Papa ang pagpunta roon raw at baka hindi na makauwi ng buhay si Papa.

At ako naman ay takot na takot ngunit ng ako'y tumanda, napagtanto ko hindi naman pala kami ay para matakot sa lugar na ito. Kailangan lamang mag ingat at alerto sa lahat ng bagay. Na tiyak naman ay kaya ko.

Ang totoo niyan, naiinggit ako sa mga kaibigan kong si Kath at Angelo na pinadala ng kanilang mga magulang sa Maynila ng nakaraang linggo.

"Ma, umupo ka, may sasabihin ako" Sabi ko sakanya sabay kunwari ay ginabayan ko syang umupo sa maliit naming sala.

"Aba ay bilisan mo at marami pa akong tatapusin Ellie" Sabi ni Mama.

"Maaaaa" Pagsimangot ko at pagkuskos ng paa sa aming bagong sementadong sahig.

"May 'boypren' ka na?" Paglaki ng mata ni Mama.

"Maaaaa! Wala!" Pagkunwaring iyak ko at pag kainis kay Mama.

"Alam na ba ito ng Papa mo?" Patuloy na paghinala ni Mama.

Sa aking pinaghalong inis at kaba, kinuha ko ang sobre na naglalaman ng sulat na aking natanggap at pinakita kay Mama. Tahimik ako habang binabasa ni Mama ang sulat.

Huminga ako ng malalim. Tila isang oras na ata pinagmamasdan ni Mama ang sulat. Bulong ko sa aking sarili.

"Eh anak, may magaganda namang kolehiyo rito saatin, bakit hindi nalang dito?" Pahayag ni Mama sabay buntong hininga.

"Ma, bakit hindi sa Maynila? Sa Unibersidad ng Pilipinas? Hindi ba, napapanood natin sa pelikula at balita na maganda 'yong school na 'yon?" Sagot ko kay Mama. Hindi sya nagsalita bagkus umirap at umiwas ng tingin.

"Ayoko" Sabi ni Mama. Ako ay napabuntong hininga at umupo sa tabi nya.

"Ma, kung tungkol ito sa pera, maghahanap ako ng part-time job para matulungan kayo, 'wag kang mag-alala" Aking paghaplos sa balikat ni Mama.

"Alam mong hindi pera ang inaalala ko rito anak. Kundi ang kaligtasan mo. Aba ay napakaraming mandurukot at mga halang ang kaluluwa roon, diyos ko naman Ellie. Hindi kami makakatulog ng Papa mo kakaalala sayo" Sambit ni Mama na tila maiiyak.

"Ma, hindi naman lahat ng tao roon eh tulad ng iniisip nyo. Mag iingat ako. Sayang kasi ang opportunity Ma. Bakit sila Angelo? muka namang okay sila don?" Sagot ko kay Mama ngunit hindi pa rin panatag loob nito na siya naman naiintindihan ko.

Ng tila mawawalan na ako ng pag-asa, heto naman ang pagpasok ni Papa sa kwarto. Baka sakaling sya na ang makapagpabago sa isip ni Mama.

"Ano'ng pinag-uusapan ninyo mag-ina?" Sambit ni Papa habang nilalagay ang kanyang mga tools sa may aparador.

"Pa, natanggap ako sa U.P" Aking sabi, at abot langit ang ngiti ni Papa sabay salubong saakin ng mahigpit na yakap.

"Napakatalino talaga ng ating Ellie, Analou" Harap ni Papa kay Mama na sya namang nakasimangot.

"Alam ko, pero gusto raw mag aral sa siyudad. At hindi ako papayag" Sabi ni Mama na kinalungkot namin ni Papa.

"Ikaw naman Analou, isa itong malaking oportunidad sa anak natin na makapag aral sa isa sa pinakapremyedong unibersidad sa bansa, tapos hindi mo papayagan" Paglambing ni Papa kay Mama. Na sya namang kinatuwa ko.

"Please, Ma? Makakapag usap naman tayo araw araw sa telepono. At makikita ninyo naman ako. I swear, Mama mag iingat ako ng maigi" Pagsalo ko sa tabi ng aking magulang.

"Nag iisa kitang anak, Ellie. Natatakot ako at baka ano ang mangyari saiyo. Mabuti sana kung hindi ka pinagkalooban ng diyos na mala anghel na hitsura. Sana hindi mangyari sayo Yung napapanuod ko sa balita kundi mababaliw ako, anak" Nagsimula na umiyak ang aking ina at sinusubukan naman namin ni Papa patahanin sya sapagkat may hypertension ang aking ina.

"Analou, hindi natin pinalaking duwag at tatanga tanga etong si Ellie" Sabi ni Papa na sya naman kinangiti ko at ni Mama.

"Basta ipromeso mong parati ka tatawag o magtetext saakin Ellie" Humarap si Mama sakin sabay hawak sa aking mga palad. Kitang kita naman ang pangangamba sa mga mata ni Mama.

"Promise, Ma. Promise" Pagtaas ko ng aking kamay. Hindi naman mapigilan ang pagsigaw ko sa saya.

"Kita mo, si Papa lang makakakumbinsi sayo" Sabi ko kay Mama. Bumalik naman ang pagsesermon saakin nito.

Natapos ang araw na iyon na hindi ko inaakala. Ang tanging nasa isip ko lamang ay Napakaswerte kong anak at mayroon akong magulang na katulad nila. Subalit meron din naman kaba sa aking dibdib sa pagpasok sa panibagong chapter ng aking buhay. Sa Maynila.

Pinaghalong kaba at excitement naman ang aking nararamdaman sapagkat nanatili ako sa probinsya namin simula ng ako ay pinanganak. Hindi ko alam kung ano mayron sa labas ng lugar na ito.

At tama si Mama. Ang disgrasya at trahedya ay nakaamba lamang sa dilim. Kailangan kong maging alerto sa lahat ng oras. Hindi naman sa pagmamayabang, pero hindi ko naman pinahiya ang mga magulang ko pagdating saaking hitsura at talino.

Consistent honor student at presidente ako sa aming paaralan kung saan nag-graduate din ako ng Valedictorian. Marami na akong na achieve sa school simula ng ako ay nasa grade school pa lamang at bukod don, sumali na rin ako sa mga beauty contest sa mga kalapit na baryo na syang dahilan bakit ako ay nakaipon kahit papano.

Hanggang dumating ang araw na kinausap ako ng aming Principal at tinulungan makapag entrance exam sa may Bayan. Hindi ko naman sya binigo at heto nga ay nakapasa ako.

Tanging iniisip ko na lamang ay mga ibang kaklase kong naroon sa Maynila na tila masaya naman sila at kuntento roon katulad ng pinapakita nila sa Facebook at Instagram.

Kaya mo 'to, Ellie. Bulong ko sa sarili bago ako tuluyang tinangay ng antok.

Maximus (A tagalog novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon