CHAPTER 18 (Dampen Spirits)

127 5 3
                                    

*Reina*

Kinabukasan, matapos ang insidente malapit sa Santana's coffee shop, halos di ako makabangon sa kama.

Kahit noong nasa labas pa lang ako kahapon, nananakit na yung buong katawan ko. Epekto nung pagsagad ko ng adrenaline ko. Nanlata ako pagkatapos. Buti na lang nandun sina Benny at Archie.

Sino kaya ang nagbuhat sa akin kahapon nung nag-blackout ako? Duda kong si Mr Pres, tatawanan pa ako nun. Si Juan Carlos siguro. Sa laki ng muscle nun sa braso. Pero hindi eh, kasi naaninag ko itong nasa gilid ko.

Si Benny? Hindi rin, malaki pa ang braso ko dun eh. Si Archie? Lalong hindi. Ni hindi nga yata nagbubuhat yun.

So that leaves Mr Pres himself. Drats, may utang na loob pa ako sa lalaking iyon.

Dahan-dahan akong gumalaw pero di ko maiwasang mapangiwi. Wala nang epekto yung pain killers na tinungga ko kagabi. Halos di rin ako pinatulog.

Trouble pa more, Reina.

Huminga ako nang malalim saka itinukod yung siko kaso naramdaman ko yung matinding sakit sa bandang balikat ko. Napahiyaw ako sa sakit. Napabagsak tuloy uli ako sa kama. Napatanaw sa kisame habang inaalala ulit yung nangyari kahapon.

Mukhang napuruhan yung kagagaling lang na injury ko. Nabugbog ulit. Naghintay ako ng ilang sandali bago nagbilang at mabilisang bumalikwas. Lalong umigting yung kirot ng katawan ko pero at least, mabilisang lang at unti-unti na akong nasanay.

I groaned in pain, smarting acute pain in my shoulder and pricking frayed nerves in my left limb going to my torso.

Shit, mukhang hindi ako makakapasok nito.

Nagpahinga muna ako ng ilang saglit, habang nakaupo ay sinubukan kong galawin yung upper arm ko pero nakaramdam ako ng kumakalat na kirot. Bumababa hanggang sa midriff ko.

I remembered that I was hit by a shin coming from my back, when someone kicked me from behind. Cursing again in pain.

Paano pala ako nakauwi kahapon?

Naalala ko, binilhan ako ng isang banig na pain reliever ni Juan Carlos tapos pinahiram ng liniment spray at menthol patches. Active athlete kasi kaya parating may bitbit sa bag kahit hindi practice.

Kinuha ko yun pero nung biglain kong ikilos yung joint ko sa kaliwang braso ay napasigaw ako sa sakit.

"Fuck!" napaluhod din ako antimano.

Maluha-luha rin ako. Pakiramdam ko, ginulpi ako ng sampung gorilya. Well, nakipagbuno naman talaga ako, sa mga supot na tsonggo. Napilitan akong mapaupo sa sahig habang pinahuhupa yung sakit.

Makalipas ng ilang minutong pagpapahinga, tinungo ko ang banyo sa kwarto at kinuha ang isang botilya ng Epsom salt saka pinaandar yung faucet sa bathtub hanggang mangalahati. Tinungo ko ang minibar sa kwarto para kunin ang ice tray, at ibinuhos ko sa tub. Inulit ko ang proseso pagkakuha ng ilang naitabing ice bag sa ref sa kusina.

Tapos naglagay ako ng kalahating laman ng botilya ng Epsom salt saka ko dahan-dahang hinubad ang long tee ko maging yung boyleg pants ko.

Lumusong na ako sa tub at todo kapit sa rim ng tub habang inaalalayan ang pagdampi ng balat ko sa malamig na tubig.

I hissed when the cold water finally hit my skin. But I need to remedy the aching muscles in my shoulder and left arm. Particularly the strained tendon and inflamming joint. I could feel my arm falling off from its socket.

Ibinabad ko ng ilang minuto pa at habang tumatagal ay gumiginhawa na ang pakiramdam ko.

Madalas kong gawin ito sa tuwing na-i-injured ako nung nasa swimming team pa lang ako. Parating muscle sa balikat ang sumasakit at sa magkabilang braso hanggang sa paypay at balakang.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon