Extra Chapter -Pageant-

122 4 3
                                    

*Reina*

Wala pa rin akong imik, hindi kasi ako makapaniwalang yung nangyari nung last Friday ang naging problema ko ngayon.

Fuck! Hindi naman ako seryoso nun!

"As you can see, Ms Montalvo, nakasulat na ang pangalan mo sa list ng mga rep. Natuwa pa nga ang head ng TVL kasi may isang nag-volunteer na sumali."

Huminga ako nang malalim at pilit pinakakalma ang sarili saka sila tiningnan isa-isa. Mga head ng faculties at organizers ang kausap ko sa office ng Board of Committee for Extracurricular events na humahawak ng events and activities ng school.

"Pero ang point ko dito, Ma'am, Sir, wala po talaga akong balak sumali, I was just joking about it, ni hindi ko nga alam na nakalista ako,"

"We already sent notice to your adviser," nagtatakang tumingin sa akin si Sir Padua. "Hindi ka ba nasabihan?"

Umiling ako. Kahit nasa bag ko yun, isinilid ni Benedict nung in-announced sa klase kahapon. Ngayon nga ay nandito ako para makiusap na alisin na ako sa listahan.

"I guess it was just a misunderstanding, pero sayang naman, kung magba-back out ka. Wala kasing sumasali sa strand ninyo eversince." si Mrs. Dimaculangan na head ng Home Economics.

"I get it Ma'am, pero nasa rules din
ng competition na pwedeng magdesisyon ang contestant kung tutuloy siya o hindi sa pagsali and that's why I'm here, I'm backing out."

Napabuntong hininga na lang ang mga ito. "May mga factor ba kung bakit umaayaw ka sa competition? May mga nananakot ba sa 'yo o mga nagtutulak na gawin 'to?"

Natawa na lang ako sa tanong nung babae. Kilala ko sa mukha pero di sa pangalan. "Wala, it's my own decision. Besides, I'm not cut out for this."

"Alright, if you say so." sumenyas na si Mr Padua. "Tanggalin n'yo na ang name ni Ms Montalvo."

Agad naman sinunod ng isang babaeng may hawak ng clip board.

Napangiti naman ako at tumayo na. Nagawa ko na yung pakay ko. Time to go home.

Alam kung nalungkot sila, pero ano naman ang mapapala ko kung sasali ako? Aksaya lang ng oras yun. "I should be heading off now, Ma'am, Sir. Excuse me."

Nakalabas naman ako agad sa pinto at kasalukyang naglalakad sa hallway nung may tumawag sa pangalan ko.
Napalingon tuloy ako.

"Wait up!" bulalas ng babae.

Nagtaka naman ako pero di ko sinunod. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"Hey! Reina Montalvo!"

"What? What do you want?"

"Ang sungit mo naman," humahangos pa siya nang huminto sa harap ko. "You already forgot me? Charlemaine, back at the gymnasium."

"Sorry, di ko talaga matandaan."

"That's alright, hindi naman talaga ganun ka-memorable ang face ko." ngumiti na siya. "Is it okay kung sabayan kita?"

Hindi ko sinagot, ano bang tingin niya sa akin, friendly? Tumalikod ako at naglakad na lang.

"Hey, I just want to apologize sa nangyari, ako kasi ang naglista sa pangalan mo, kasi I heard you talking to Amethyst that day kaya naman—"

"Kaya naman nag-assumed ka na sasali talaga ako at pwede mong ilista ang pangalan ko? Ganun?"

"Well, I got the wrong message. Sorry na." at nag-peace sign pa.

Inirapan ko nga. Akala niya kasi cute siya.

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon