CHAPTER 50 (Redemption)

96 4 0
                                    

*Miles*

Ang sakit ng ulo ko nung magkamalay-tao ako. Iminulat ko nang sapilitan ang mga mata ko at napahawak sa batok ko. Para kasi akong dinagukan ng isang gorilya.

Napansin ko na nasa backseat na ako at nasa sahig pa. Saka ko tiningnan ang front seat at maging ang driver seat. Wasak na yung unahan ng kotse, wala nang windshield at nakaharang ang isang konkretong barikada, napuno ng bubog ang parehong upuan at may kaunti pang bakas ng dugo!

Nataranta ako at agad na binuksan ang pinto ng backseat saka ko inispeksyon nang maige ang harap na bahagi ng sasakyan.

Naaksidente ba kami? Nasaan na si Babe? Di kaya dinukot siya nung lalaki?

Lalo akong kinabahan, kaya dali-dali kong kinuha sa bulsa ko ang cellphone ko, wala akong nakapa kaya binalikan ko ang loob ng kotse at hinagilap, doon ko napulot sa sahig ng backseat. I-d-in-ial ko ang number niya pero walang sumasagot, out of coverage.

Tang in*!

Saka ko binalikan ang unahan, pati yung pinto ng driver seat wala na rin, naghanap ako ng clue kahit parang puro kalat na lang ang naroon, nakita kong sira rin ang steering wheel, parang kinalas at pinagkabit ang mga wiring.

Halatang pinuwersa kasi basta na lang tinanggal yung cover ng steering wheel, minaneobra. Saka ko naalala na naputol nga pala yung susi ng kotse. Gawa nung walang hiyang lalaking iyon.

Patay ako kay Kuya Boks, lalong lalo na kay Kuya Vincent. Takte kasi, bakit ba ako nawalan ng malay?

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko binalak na lumakad palayo habang sinusundan yung maliliit na patak ng dugo. Pinapanalangin ko na hindi ito dugo ni Babe, malaman ko lang kung nasaan ang lalaking iyon, mapapatay ko talaga iyon.

Saka ko kinakapkap ang Swiss knife na bitbit ko mula pa kanina. Wala na sa bulsa ko.

S'an kaya napunta yun?

Sana lang talaga walang malubhang sugat si Babe, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili kapag nalaman kong may nangyari nang di maganda sa kanya.

*********

Nilakad ko at pilit na tinutunton ang daan patungo sa malapit na commuter's stop. Nawala na ang bakas kaya sumakay na ako ng taxi. Gulong gulo na ako, di ko alam kung anong gagawin ko sa sitwasyon ko.

Hihingi na ba ako ng tulong?

Anong sasabihin ko kay Kuya Vincent?

Ibinuga ko ang malalim na hininga ko saka ako nagpasyang magpababa sa malapit na police station.

Ini-report ko ang nangyari sa amin, na posible ring sapilitang kinaladkad ng misteryosong lalaking iyon si Babe.

"Sa tingin mo, anong motibo ng lalaking iyon para gawin ang akusasyon mo?"

"Hindi ko rin po alam, Master Sargent,"

Nagtipa ito sa keyboard at binasa ang blotter report. "Yun lang ba ang lahat, Mr Morales?"

Tumango lang ako habang di ako mapakali, baka kasi may makakilala sa akin dito.

"Papatingnan ko ang lokasyon na sinasabi mo, ngayon din, paparondahin ko ang mga kasama ko, pero hindi pa ito pwedeng masabing kidnapping hangga't di lumilipas ang 24 oras, maaring nakatakas din siya o di kaya dinala siya sa hospital, ang sabi mo rin kasi, may mga bahid ng dugo ang sasakyan mo at wasak na wasak pa ang unahan, posibleng nasa malapit na hospital lang sila."

Tumango na lang ako. Iba kasi ang dating nung lalaki kanina, tipong hindi gagawa ng maganda.

"Sige, babalitaan ka na lang namin, iniwan mo naman ang contact number mo eh ang maipapayo ko sa 'yo, pumunta ka na rin sa malapit na hospital, magpatingin ka rin para malaman kung malubha ang lagay mo,"

Queen Of DamnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon